Mabilis at maayos na nilinis ng mga tauhan ni Vito ang buong shop. Ang apat na kutungero ay binuhat palabas na parang mga basang sisiw. Ang isa ay diretso sa ospital dahil sa tindi ng pagkakahampas ng ceramic vase sa ulo, habang ang tatlo naman ay dinala sa safehouse ni Vito para turuan ng leksyon kung kanino silang shop naghasik ng gulo. Habang abala ang mga lalaki sa labas, si Lhevie ay nakaupo sa kaniyang swivel chair, hawak ang isang baso ng malamig na tubig na ibinigay ni Vito. Si Sarah naman ay pinauwi na rin muna para makapagpahinga matapos gamutin ang namumulang pisngi nito. Lumapit si Vito kay Lhevie, dahan-dahan ang kaniyang hakbang na tila ba natatakot na baka bigla ring pumutok ang galit ng kaniyang amo sa kaniya. Inilapag niya ang kinuha niyang tisyu sa lamesa. "Lhevie, ayo

