Dion's POV
"Kanina pa talaga tayo naglakakad... Wala pa ring trycle!" reklamo ni Mark. Tirik na tirik pa ang araw at talagang halos sunugin ang balat namin dahil sa init ng araw.
"Ano bang klaseng lugar 'to?!" Hindi ko na rin napigilan ang magreklamo.
"Isa 'to sa mga sinabi ni Damian na ginusto ng mga sindikato na dito manirahan dahil kulang ang tao sa lugar na 'to..." Naalala ko nga na sinabi iyon ni Damian at kapansin-pansin nga na malaki ang posibilidad na ganoon nga ang rason.
Napahinto ako nang saglit kong marinig ang pag agos ng tubig sa hindi kalayuan kaya agad akong napatingin sa gilid ng kalsada. Aakalain ng iba na parang wala lang iyon pero malakas ang kutob ko na may tubig sa likod ng makakapal na damong iyon.
"Naririnig mo ba?" tanong ko kay Mark. Agad naman itong napatingin sa akin na halata ang pagtataka sa mukha.
"May ilog ba diyan?" balik na tanong nito sa akin. Hindi ko siya sinagot at saka nagsimulang maglakad palapit sa lugar na iyon. Hindi nga ako nagkamali ng hinala. May ilog nga roon.
"Makakapag pahinga rin tayo," naka ngiti kong saad kay Mark. Nakita ko ang pamimilog ng mga mata ni Mark dahil sa pagkamangha sa lugar. Kahit na sino ang mapunta roon ay talaga namang gugustuhin na makaligo.
"Wow... Grabe... Akala ko wala ng magandang lugar dito sa Samar..." Halata ang paghanga sa boses nito habang papalapit sila.
Nang mapunta kami sa may maliliit na damuhan ay saka namin inilatag ang aming mga gamit at agad na napaupo. Ilang minuto pa ang lumipas at napag desisyunan namin na tanggalin ang mga suot namin.
"Maliligo ako!" sigaw ni Mark. Natawa na lang ako sa inakto niya.
"Sige susunod ako," sagot ko naman.
Pinanood ko lang si Mark na naliligo habang dahan-dahan kong tinatanggal ang aking damit. Tanging natira na lang ay ang aking neon green na shorts na pwedeng gamitin pang-ligo.
"Huy! Tara na!" tumatawang hiyaw ni Mark. Napatingin ako sa gawi nito at doon ko lang napagluho ang kagandahan ng tubig. Halos makita ko pa ang mga maliliit na bato sa ilalim ng ilog.
Ilang beses pa akong binasa ni Mark ng tubig pero mabilis ko iyong iniiwasan.
"Teka lang, hahanap ako ng signal." Agad kong kinuha ang cell phone ko at saka tingnan kung mayroong signal pero bigo ako. Halos maghingalo ang signal ng cell phone ko.
"Walang signal dito, huy!" sigaw na naman ni Mark.
Hindi ko siya pinansin at saka nagpatuloy sa paghahanap hanggang sa maagaw ang aking atensyon ng isang tao sa kabilang parte ng ilog. May kasama itong dalawang babae na sa tantiya ko ay mga dalaginding pa.
Hindi ako maaaring magkamali. Siya iyon. Ang taong nakasama at nakatabi ko noong nakaraang gabi. Hindi ako makapaniwala sa nakikita. Ilang beses kong ikinurap-kurap ang aking dalawang mata dahil baka nag iilusyon lang ako pero hindi nagsisinungaling ang aking mga mata. Iyon nga ang tao na nakasama ko.
Nagsimula akong humakbang para makalapit pero habang papalapit ako ay saka naman nito nahalata ang aking presensiya hanggang sa makita ko ang pagkagulat nito at saka nito hinawakan ang dalawang batang babae para umalis sa kinatatayuan. Dahil sa pagkataranta ay wala akong ibang ginawa kundi ang mapasigaw.
"Sandali!"

Dahil sa ginawa kong sigaw ay napahinto ito. Dali-dali kong hinawakan ang kamay nito.
"Ano bang kailangan mo sa 'kin?" inis na tanong nito sa akin. Awtomatikong napahinto ang aking paningin sa mukha niya. Totoo ngang hindi ako namamalikmata. Ito nga ang aking nakatalik noong nakaraang gabi.
"Ikaw..." Nang sabihin ko iyon ay tila napuno ng kalituhan sa mukha nito pati na ang dalawang babaeng kasama nito.
"Anong ikaw?? Kilala mo ba ako??" Nahalat ko kaagad ang pilit na pag-iwas ng tingin nito sa akin.
"Kuya Luke–"
"Lenlen 'wang mong sabihin ang pangalan ko." Mabilis nitong tinakpan ang bibig ng babae. Huli na ang lahat para pigilan pa nito ang babae na sabihin ang pangalan nito. Naalala kong Luke pala ang pangalan nito.
Wala itong nagawa para pigilan ang babae. Narinig ko na ang lahat.
"Ikaw pala si Luke... Naalala ko na," panunukso ko habang sinisimulan ko siyang titigan ng malagkit.
"Magkakilala po ba kayo?" Ang isang babae naman ang nagtanong.
"Hindi, Jennylyn. Tara na," anito at saka muling kumilos pero mahigpit ko na namang hinawakan ang kamay nito.
"Teka nga sabi," pakiusap ko.
"Ano bang problema mo? Sino ka ba? Bakit alam mo ang pangalan ko?!" Ramdam na ramdam ko ang inis sa boses nito na mas lalo kong ikinatutuwa. Napilitan naman ang dalawang babae na lumayo na muna sa pagitan naming dalawa. Tiningnan nito ang dalawang babae na tila hindi nito nagustuhan ang ginawa.
"Talagang kakalimutan mo na lang 'yon?" tanong ko sabay kindat sa kaniya. Kitang-kita naman sa mukha nito ang pagkadismaya.
"Ano?!! Wala akong alam sa sinasabi mo huy!" angal nito. Napangisi na lang ako at saka umandar na naman ang panunukso sa aking utak.
"Aaah... Gano'n ba? Gusto mo ako mismo ang magkwento sa mga kasama mo kung anong nangyari sa ating dalawa?" Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya at ganoon na lamang ang pamumutla ng bibig nito dahil sa sinabi ko.
"'wag na 'wag kang magkakamali na gawin 'yon kung hindi, babalatan talaga kita ng buhay!" Ang akala siguro nito ay matatakot ako sa mga sinabi nito.
"Isa lang naman ang gusto ko... Makipag-usap ka sa 'kin kung bakit mo nagawa 'yon at king bakit ka nagpapakalasing kay Jake?" Sinadya ko talagang alalahanin ang lalaking nagpa-iyak dito.
Muntik ko nang malunok ang sariling dila nang makita ko ang magkahalong emosyon sa mukha nito pero ang mga mata nito ay kusang nagpapahiwatig ng matinding kalungkutan.
"Wala akong balak na magpaliwanag sa 'yo!" mariin nitong sabi. Hindi ako basta-basta na magpapatalo na lang.
"Kung gano'n, mapipilitan akong sabihin sa mga kasama mo kung paano tayo–"
"Oo na! Tumahimik ka na, please!!! Kanina ka pa!" Natawa na lang ako sa lakas ng boses nito at ang tindi ng pagka-asar nito nang dahil sa akin.
"Saan ka ba nakatira?"
"Diyan lang," tipid na sagot nito na hindi man lang nag-abala na ituro ang daan.
"Ano ka, engkanto? Lulubog, lilitaw??"
"Sa tingin mo nakakatuwa?" Talagang nakakatuwa lalo na kapag naasar ko ito.
"Sabihin mo na lang kasi..." Hinawakan ko ang kamay niya pero dali-dali naman niya iyong iniwas.
"Diyan nga lang." Mabuti na lang at naturo rin nito ang daan. Ilang minuto ko pa siyang kinausap hanggang sa magpaalam na ang mga ito. Hindi ito nag-abala na lingunin ako maliban sa dalawang babaeng kasama nito. Sadyang napaka seryusong tao.
Agad akong bumalik sa ilog kung saan naliligo si Mark.
"Oh, nakita kong may kinausap ka ah? Sino ba 'yon?" takang tanong nito na kakaahon pa lang.
"Wala... Kaibigan ko lang. Akalain mo 'yon, dito pa talaga kami sa Samar magkikita." Hindi ko na naman mapigilan ang aking pagngisi habang inaalala ang mainit na gabi.