*Chapter Two*

2003 Words
Dion's POV Hindi ko alam kung paano makakatulog ng maayos dahil kanina pa ako ginugulo nitong katabi ko. Kanina lamang ay kasama ko ito sa bar. "Ang lakas mong mang-trip, tapos ngayon ikaw 'tong susuko." Hindi ko mapigilan ang mapangisi. Hindi ko rin alam kung bakit pumayag ako na mahalikan nito. Kanina habang nasa biyahe kami papunta dito sa condo unit ko ay nagkausap kami. Nakita ko kung gaano ito kasigla pero habang nasa biyahe ay bigla na lang itong umiyak. Iyak nang iyak at parang wala nang balak pa na huminto. Pero hindi ko maiwasan na hangaan ang pagiging inosente nito. Sa tanang buhay ko ay ngayon ko lang naramdaman ang ganitong uri ng pakikipag talik. Hindi ko pa rin inaalis ang aking pagkakatitig sa mukha ng katabi. Ngayon ko lang naranasan ang mang-angkin ng isang tao na hindi sa akin. Inaamin ko na unang titig ko pa lang dito ay parang may kung anong tukso ang nag-uutos sa akin na lapitan ito kanina sa bar. Gusto kong matawa dahil ito pa mismo ang lumapit sa akin. Pinasadahan ko ng tingin ang buong kahubdan ng katabi. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan niya. Gusto ko mang malaman, alam ko na walang mangyayari. Sa dinami-dami ng babae na naka-siping ko, hindi ko rin alam kung bakit nagkaroon ako ng interes na subukan ang ganitong uri ng pakikipag talik. Ang alam ko lang ay galing ito sa pakikipag hiwalay. Hindi ko man alam ang totoong dahilan, alam kong nasasaktan ito. Sa hindi inaasahan ay kusang napunta ang aking kamay sa pisngi nito. "Natuyo na ang mga luha mo," nakangiti kong sabi habang mahimbing ang tulog nito. Sigurado ako na kung makikita lang ito ni tito Alvin ay matutuwa iyon na maging kausap ito. Nabaling ang aking atensyon dahil nagkalat ang aming mga suot sa sahig. Inalala ko kung paano ito gumalaw habang ginagawa namin ang matinding kamunduhan. Kung ikukumpara ko siya sa mga nakaraan ko, siguradong matatawa lang ako. Ni hindi nito alam kung paano magbigay ng isang magandang posisyon sa akin. Pero hindi ko pwedeng tanggihan ang kagandahan ng katawan nito. Kahit siguro sino ay talagang maaakit. Hindi ko na naman napigilan ang sarili na bahagyang haplusin ang kutis nito. Mula ulo hanggang sa puson nito ay kasalukuyang nakalantad at tila nagbibigay iyon ng panibagong hatid na sensasyon sa akin. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang pigilan itong aking nararamdaman. Isang matinding buntonghininga ang aking pinakawalan at saka ako marahas na nag-iwas ng paningin. Hindi man nito aminin ay alam ko kung ano ang kasarian nito at kung paano ito kumilos. Pinili kong tumalikod sa pagtulog dahil ayokong madala sa tukso. Kontento na ako sa isang beses na may nangyari sa aming dalawa. Kung gugustuhin ko pa na may mangyaring muli ay hindi ko na alam kung kakayanin pa ba nitong katabi ko. Ipipikit ko na sana ang aking mga mata nang bigla kong maramdaman ang braso nito sa aking tagiliran. Tapos na ang mainit na pangyayari sa aming dalawa pero hindi pa rin humuhupa ang init nito sa katawan. Pakiramdam ko ay nagbibigay na naman ito ng panibagong tukso sa akin. "J-jake... Ito naman ang g-gusto mo 'd-diba?" Bahagya akong nagitla dahil sa sinabi nito. Ngayon ay alam ko na kung sino ang dahilan ng pag-iyak nito. Siguro dahil sa pagod at kabiguan ay nasasabi na nito ang lahat ng hinanakit sa nobyo. Nagtaka ako sa sinabi nito. Hindi ko maintindihan kung ano ang tinutukoy nito kaya agad ko itong nilingon. Doon ko nakita na nakapikit ito habang nagsasalita. "'Wag mo na akong iiwan ha? Nabigay ko na ang gusto mo..." Sa panibagong sinabi nito ay doon ko lang naintindihan ang lahat. Dahil sa sobrang kalasingan ay naniningkit na ang mga mata nito at tila ba kinakabisado nito ang aking pagkakatitig. "I guess so..." Wala akong ibang maisip na sabihin kundi iyon lang. Hindi ko alam kung ano ang itutugon sa sinabi nito. Alam ko na dala lamang ng kalasingan kaya nasasabi nito iyon sa akin. Kung ano man ang pinagdadaanan nito, sigurado ako na sobra itong nasasaktan. Nakapikit pa rin ang mga mata nito at hindi ko inasahan nang bigla nitong inilapit ang mukha sa akin. Kaunti na lang ang pagitan para maglapat ang mga labi namin. Pasimple akong napalunok dahil sa ginawa nito. Alam kong wala pa rin ito sa katinuan. "Why? Don't you love me?" Pinipilit nitong imulat ang mga mata pero dahil sa kalasingan ay alam kong nawawalan ito ng kontrol sa sarili. "No... I mean, I like you..." Hindi ko alam kung bakit pinipilit ko rin ang sarili na sumagot sa mga katanungan nito. Pinipigil kong matawa at hindi na lang intindihin ang sinasabi nito. "Don't just like me... Please... I beg for your love," nauutal nitong sabi. Sa panibagong galaw nito ay nagulat ako sa ginawa nito. Mas lalo nitong isiniksik ang sarili sa aking katawan at doon ko naramdaman ang mahigpit na yakap nito. May kung ano sa aking sarili ang tinatamaan dahil sa mainit nitong paghinga. Napapaisip ako sa mga sinasabi nito. "It's a process... It have to work." Alam kong tama ako sa sinabi ko. Lahat ng bagay ay kinakailangan ng isang magandang proseso para maging maganda ang takbo. Kahit sa pag-ibig, alam kong kailangan ng tamang proseso. "I'm w-willing to wait, Jake..." Sa huling sinabi nito ay awtomatikong kumabog ang dibdib ko. Dahil sa sinabi nito ay tila binigyan ako ng kung anong ngiti. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon pero ang tanging nararamdaman ko lang ay kasiyahan dahil kaya nitong maghintay para lang sa tamang proseso na sinabi ko kahit hindi naman nito alam na iba ang kayakap nito sa kama. Bahagya pa akong nagpakawala ng tahimik na ngiti. Nakita ko na lamang ang sarili kong mga kamay na tumutugon sa yakap na binibigay sa akin nitong katabi ko. Hanggang sa lamunin na ako ng antok kasama ang tao na nagbigay sa akin ng maganda at panibagong pananaw. Luke's POV "Ang sakit ng u-ulo ko..." Kaagad kong nasapo ang aking noo. Parang binibiyak ang ulo ko dahil sa sakit. Bigla akong napabangon mula sa pagkakahiga. Hindi ko na namalayan na sobrang tirik na tirik na pala ang araw. Diretsong tumama ang aking tingin sa orasan at doon ko lang napagtanto na tanghali na pala. "B-bakit parang ang bigat sa pakiramdam?" Nag ilibot ko ang akin paningin ay saka lang unti-unting nagkakaroon ako ng kakaibang pakiramdam na hindi ito ang kwarto ko. "N-nasa'n ako?!" Bigla akong napatayo nang mapagluhong hindi ito ang kwarto ko. Nang makatayo ako ay naramdaman ko ang pagbaba ng kumot mula sa aking katawan at doon lang lumantad ang aking kahubdan. Diretsong tumama ang aking mga mata sa harap ng salamin ng kwarto at nakita ang sariling hubo't hubad. "What the hell!! Nasaan ako??!" Nabuhay ang kaba sa aking dibdib hanggang sa damputin ko ang kumot at muli iyong i-tinapis sa aking katawan. Hindi ko masyadong maalala ang huli kong ginawa. Ang tanging naaalala ko lang ay nasa bar ako at umiinom at may tao akong nilapitan at hinalikan... "Nandito ako sa kwarto niya?!!" Napasigaw na ako dahil sa matinding kaba. Hindi ito maaari! Kailangan kong makaalis dito. Nakita kong nakalat ang aking mga damit sa baba ng kama at kaagad ko yong dinampot habang hawak-hawak ko pa rin ang kumot. "Kailangan kong makaalis dito." Natataranta na akobat hindi ko alam kung ano ang uunahin na i-suot. Agad kong tiningnan ang kama at may kung anong ginhawa akong naramdaman dahil wala na sa tabi ko ang lalaki. Nang makapag bihis na ako ay saka ko tinungo ang pintuan at nakahanda na sana akong buksan iyon nang bigla akong may narinig na sumisipol mula sa labas ng kwarto. Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto at hindu ako sigurado kung maayos ang aking hitsura. Hinanap ko kung nasaan ang sumisipol at kusa akong dinala ng aking mga paa malapit sa banyo. Doon lang lumantad sa aking ang isang lalaki na naliligo. Kasalukuyan itong nakatalikod sa akin. Sa tantiya ko ay hubo't hubad ito. Halata iyon kahit na medyo malabo ang glass. Dahan-dahan akong umatras at saka agad na nagdesisyun na umalis pero dahil sa kapalpakan ko ay natabig ko ang isang display na plorera. Natuon ang aking atensyon at nakita ang basag na plorera sa sahig. Nakaramdam ako ng mga yapak sa aking likuran hanggang sa marinig kong magsalita ang lalaki. "So, do you wanna join me, huh?" Hindi ko alam pero may kung anong pag-iinit sa aking mukha kaya agad akong napalingon. "I'm going to leave–" Hindi ko akalain na diretsong tatama ang aking mga mata sa ibabang bahagi nito. Tila umurong ang aking dila nang makita ang kahubdan nito. Doon ko lang din naalala ang lahat-lahat ng nangyari sa amin. Tila nagong dahilan pa ang kahubdan nito para maalala ko lang ang buong pangyayari. "Why? Dito ka muna," nakangisi nitong sabi habang kitang-kita ko kung paano mang-asar ang mga mata nito. "What the! Mag tuwalya ka nga!" Hindi ko na alam kung ano pa ba ang dapat at tamang sasabihin para lang rumehistro sa utak ko na hubo't hubad itong lalaking kaharap ko. "What? You saw me like this last night and now... You're afraid?" natatawa nitong pahayag. Dahil sa sinabi nito ay lalo lamang nadagdagan ang pamumula sa aking mukha. Kanina pa nakaiwas ang aking paningin. Wala akong balak na ibaba ulit ang aking paningin. Hindi pwede! Hindi ako nakapagsalita kaya narinig ko ulit itong nagsalita. "We were so on fire... And you were so hot..." Naramdaman ko ang unti-unti nitong paglapit at bawat hakbang nito ay may kakaibang kaba na nagbibigay sa pagkatao ko. Hindi pa rin ako nakatingin sa kaniya. Pero biglang tumatak sa aking utak ang mga sinabi nito kaya agad akong napaisip hanggang sa napamaang ako at agad na nahawakan ang aking ibabang labi. Namimilog ang aking mga mata dahil sa aking mga iniisip. "No... This can't be! Walang nangyari!" Nakita kong nagulat ito sa sigaw ko. Itinuon ko ang aking atensyon sa mukha niya. Hinihintay ko na bumuka ang bibig nito at sabihin sa akin na walang nangyari sa aming dalawa. Hindi pwedeng may mangyari sa amin! Ni hindi ko nga sinuko ang sarili kay Jake, sa kaniya pa kaya? "You forgot? You ask me and we did it." Kahit saang anggulo, napaka kaswal lang ng mga sagot at mga salitang ibinabato nito sa akin na mas lalong nagbibigay sa akin ng pagkairita. "No! Alam kong walang nangyari! Hindi ako gan'to! Bakit ko naman gagawin 'yon?! Imposible!" Unti-unti ko nang nararamdaman ang pangingilid ng aking luha. Sabihin na ng iba na napaka emosyonal ko pero kahit na gaano pa kasakit ang nangyari sa amin ni Jake ay hindi ko binalak na makipag talik. "Hey... Calm down, okay?" Tuluyan nang nag-unahan sa paglabas ang aking mga luha dahil sa sinabi ng lalaki. Naramdaman ko ang marahan nitong paghawak sa aking balikat. Hindi ko alam kung bakit unti-unit akong nakaramdam ng gaan ng loob hanggang sa makalapit kami sa mesa at naupo sa silya. Nakita ko na nakatapis na ito ng tuwalya. Iniwas ko ang tingin mula sa kaniya at maiging pinakiramdaman ang aking sarili. Hindi ko maintindihan kung bakit ko gagawin ang isang bagay na hindi pa sumasagi sa isipan ko. Ang mas malala ay nagawa ko iyon sa taong hindi ko naman kilala. "Aalis na ako." Bigla akong tumayo. Nagsimula akong humakbang palayo sa lalaki habang pinapahid ang aking mga luha sa pisngi. "Ihahatid kita..." Pagkatapos nitong sabihin iyon ay saka ko naramdaman ang maraham nitong paghawak sa aking braso. Dahil sa matinding emosyon ay nabuhay ang inis at galit ko sa sarili. Marahas kong tinanggal ang pagkakahawak niya na ikinabigla naman nito. "Kaya kong mag-isa," mariin kong sabi. Wala akong pakialam kung ano man ang sasabihin nito. Ang mahalaga ay makauwi ako ng ligtas sa amin. Kung para sa iba ay natutuwa at ginagawang libangan ang pakikipag talik, pwes, hindi ako tulad ng iba na isang senyas lang ay aarangkada na kaagad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD