Chapter 11

1576 Words

Chapter • Eleven Gumapang na ang matinding kaba sa dibdib ko nang makalagpas kami ng East gate. Isang kilometro mula roon ay matatanaw na ang napakaraming tao sa tabi ng daan. May mga sasakyan ding nakahanda nang maglagay ng close signs sa dalawang dulo na gagamiting daan para sa karera. Dati-rati, sa tuwing naririnig ko ang hiyawan ng mga tao kapag nakikita nilang parating na ang sasakyan ko, saya ang nararamdaman ko pero sa pagkakataong ito na si Pearce ang may hawak sa manibela, hindi ko na maipaliwanag ang takot ko. Ipinarada ni Pearce ang sasakyan sa tabi ng kotse ni Dalton. Nakaupo siya sa hood ng kanyang Mustang. Ngumisi siya nang lumabas kami ni Pearce ng sabay mula sa pulang audi r8 ko. Biglang tumahimik ang mga taong kanina lang ay masayang naghihiyawan nang makita si Rosa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD