Chapter 36 'The Monster's Fall' — Phoebe — "Ano? Bakit hindi ka lumaban?" mala-demonyong sigaw ng isa sa mga lalaking kanina pa nag-e-enjoy na saktan at pahirapan si Ares. "Fight, Prick!" I hate him. Bakit ginagawa niya 'to sa sarili niya? Alam kong kayang-kaya niyang patumbahin ang mga hayop na 'yan! "Hindi mo ba siya narinig? Lumaban ka raw!" pang-aasar nung isa dahil alam niyang wala talagang planong lumaban si Ares. May mga bahid na ng dugo sa sahig at lahat iyon ay mula kay Ares. May isang tauhan pa ang pumasok at hindi nagdalawang isip na ihampas kay Ares ang dos por dos na kanyang dala. "f**k you! Die, b***h! Die!" Lalo lang akong nag-histerya nang sumuka na ng dugo si Ares. Gayunpaman ay nanatiling mulat ang kanyang mga mata na halos magsara na rin sa pamamaga dahil sa mga s

