Chapter 28 'Trust' Phoebe's PoV Bumalik si Jairah na dala ang dalawang tasa ng kape. Iniabot niya sa akin ang isa at tumabi sa akin sa kama. Hindi ko maialis ang titig ko sa kanya. I'm not good in science. Ngunit alam ko ang tungkol sa color science. At sana ay hindi ako magkamali sa bagay na 'to. "Phoebe, why?" tanong ni Jairah nang mapansin ang mga tingin ko sa kanya. "I have a question," I said at tumango siya. "Yea, sure." "'Di ba sabi mo na Red ang tawag mo kay Jarred tuwing nag-aasaran kayo?" paninigurado ko. "Uh-huh! What's with it?" "How about him? May tawag ba siya sa'yo?" Please say yes. At kung mayroon man, make it a color, please. Make it either yellow, orange, vio- "Blue..." nakangiting sabi ni Jairah na ikinatunganga ko sa kanya. "B-blue?" Hindi makapaniwalang ulit

