Chapter 33 'Countdown' — Phoebe — Narating namin ang space center at inaabangan na kami ni Ares. Mukha na rin naman siyang kalmado. Agad na lumapit si Eula sa space probe na wala pa sa kalahati ang na-a-assemble. Sinuri niya ang kabuuan nito. Bawat parte ay mabusisi niyang tinignan. "I'm impressed, kids! You're doing great. Maganda ang team up ninyo, Aether and Eros," sabi ni Eula at at nag-apir 'yong dalawa. Bakas sa kanila ang kasiyahan dahil sa papuri ni Eula. Nag-thumbs up lang naman kami sa kanila ni Ares. "Nasimulan na rin naman, ituloy na ninyo hanggang sa matapos." Nagulat si Aether sa sinabi ni Eula. "Hindi po kayo tutulong?" naguguluhang tanong niya. Inaasahan kasi nila na makakatulong nila si Eula sa paggawa ng space probe na 'to. Umiling si Eula. "I still have unfinished

