Chapter 6 'Allies or Foes' — Phoebe — Katulad ng ipinangako ni Prof Alarcon, natanggap ko ang ilang larawan kung nasaan ang pamilya ko. Si mommy, daddy at ang nakababata kong kapatid. Halatang palihim silang kinuhanan. Masaya ako dahil alam kong ligtas sila at namumuhay nang maayos kahit na wala ako. Ngayon lang ako nahiwalay sa kanila nang ganito katagal at alam kong naninibago rin sila. Wala silang alam sa nangyayari sa akin dito sa Terra. Hindi nila alam na nasa isang impyernong lugar ako. At mas mabuti na rin ang ganito dahil ayoko na silang bigyan pa ng pangamba. "Are you crying?" tanong ni Aether na kasalukuyan na ring nakahiga sa kama niya. "Masaya lang akong makitang maayos ang lagay ng pamilya ko," nakangiti kong sabi at ipinakita ang mga larawan. Napabangon siya at mataman

