Chapter 42 'Haunted By The Past' — Phoebe — Halos hindi na ako makalapit kay Prof dahil hindi ko maatim na makita ang duguan niyang katawan kaya si Kuya Red na lang ang aking nilapitan. May ilang galos at sugat siyang natamo. Hawak-hawak niya ang kanyang ulo na dumudugo rin at namimilipit sa sakit. Lumuhod ako sa harap niya para i-check siya. "Mommy, please, dadalhin namin kayo sa lab—" napalingon ako kay Eros nang marinig ang kanyang pag-iyak. "'Ros, bilisan na ninyo!" Sabi ni Aether at pinaputukan ang ibang lalaking tumatakbo pasugod sa amin. Bubuhatin na sana ni Eros si Prof ngunit pinigilan siya nito sa braso. "A-ang kuya... mo. G-gawin mo ang lahat... upang maaalala niya... tayo," sabi ni Prof sa hirap na paraan. "Argh! f**k!" Muli kong binalingan si Kuya Red when I heard him w

