Chapter 40 'Reality' — Phoebe — Magkahalong ngalay, sakit at hapdi ng katawan ang naramdaman ko nang dahan-dahan akong dumilat. Ngunit hindi ko magawang imulat nang maayos ang aking mga mata dahil sa tindi ng sikat ng araw. Napapikit na lang ulit ako at inalala ang mga nangyari. Simula ng gabing iyon kung saan nakita ko ang isang nilalang na parang sumusunod sa akin ay hindi na ako mapalagay. At nang kinaumagahan, habang nagdidilig ng mga alaga kong bulaklak, may matigas na bagay ang humampas sa akin na siyang nakapagpawala sa aking ulirat. At ngayon, paggising ko, nandito na ako sa lugar na ito. Iginalaw ko ang braso't paa ko at doon ko lamang napag-alaman na nakagapos na pala ako. Nakagapos ako sa aking kinauupuan. Batid kong ilang oras na rin akong nasa ganitong posisyon dahil sa l

