Heaven’s point of view Habang nakain na kami ng hapunan kasabay ang malamig na simoy ng hangin sa labas, ay biglang umimik si Ka-Lilya at ako ay kaiyang kinausap. “Hija Heaven tama? Dito na ba kayo manunuluyan ng matagal ng lalaking yan?” tanong naman niya sa akin, Natawa naman ako nang kaniya niya itong sabihin ngunit napahinga din naman ako ng malalim, “Kung pepwede lang po—dito na sana,” tugon ko naman sa kaniya Nang nabigla naman siya sa aking sagot, “Oh? Bakit? Hindi ba pwede? Hindi ba at mag-asawa na kayo ni Tyler?” tanong naman niya muli sa akin, Nang agad naman akong napatingin kay Tyler dahil nakaramdam na ako ng pagiging hindi komportable, kaya’t agad naman siya ang sumagot para sa akin. “Ahm—La, hindi pa po kasi pwede dahil marami pa po siyang inaayos sa Manila kaya itong

