Kenjie’s point of view Nalaman kong nawawala sa kanila si Heaven, kaya’t agad naman akong nakipag-kita sa kaniyang ama sa isang coffee shop. Nang makarating ako doon ay bumungad siya kaagad sa akin, at nang makaharap ko siya ay agad siyang tumingin sa akin. “Ahm—Good morning sir,” pag-bati ko sa kaniya habang iniaabot ko sa kaniya ang aking kamay, Nagulat naman ako nang agad niya rin namang hinawakan ang aking kamay, at nakipag-kamay siya sa akin. “Good morning, maupo ka,” pahayag naman niya sa akin. Doon ay agad naman akong naupo nang bigla siyang mag-tanong sa akin, “And what’s the purpose if this?” Nagulat naman ako at agad naman akong sumagot, “Ahm—nabalitaan ko pong wala sa inyo si Heaven, and I’m pretty sure na na kay Tyler siya,” tugon ko naman kaagad sa kaniya, Napangisi n

