"Para po. Dito na lang Kuya," sabi ni Summer sa tricycle driver. Paulit-ulit niyang binigkas ang mga salitang 'yon hanggang sa huminto na nga ang tricycle sa tapat ng isang home-kitchen na restaurant. I look up for its signage pero wala. "Mas sikat itong restaurant na 'to sa mga locals kesa sa tourist but I swear." Summer placed her palm against her chest. "Sila ang may pinaka-masasarap na pagkain." Hinawakan ni Summer ang braso ko at hinila na ako papasok sa loob. Gusto ko pa sanang sabihin na hindi niya naman ako kailangang kaladkarin pero sa rami nang mga sinasabi nito habang naghahanap kami ng perpektong spot nang mauupuan. Hindi na ako nakasingit pa. "Iyong menu nila naroon." Tinuro nito ang counter. Mayroon doong parang blackboard sa taas, nakasulat doon ang tawag sa iba't iban

