Kylué couldn't tore his eyes off the sleeping and sedated Esquivar dela Torre. Walang ingay na ipinatong niya ang medecine box sa ibabaw ng lamesang nasa gilid lang din ng kamang kinahihigaan nito. Malayo sa tensyonado, takot na takot at naguguluhang lalaking nahanap niya sa kasukalan ng gubat sa likuran ng Cabin, payapa at mahimbing nang nagpapahinga si Esquivar. Sa hindi malamang dahilan. May kung anong pumitik sa dibdib ni Kylué habang patuloy ito sa kaniyang pagmamasid. Pilit man niyang itanggi, ay alam nitong malaki ang kinalaman niya sa nangyari kay Esquivar. Oo nga't hindi nila pinilit ang mga trainee na sumali sa kanila ngunit ang maliit na boses na bumubulong sa kaniya ay hindi nito maiwasang hindi mapakinggan. Sumobra sila. Hindi na makatao ang training program ng Rapscallion.

