Noah Evans drag me inside of his car like a sack of rotten potato. Of course it will be easy to fight back. Punch him, kick his balls-if I don't have this f*****g handcuffs.
"Excuse me, Sir. I'm calling the police!" Noe chuckled at my melo-dramatic remark. "Naiwan sa kuwarto mo 'yong cellphone." Sinarado niya ang pinto ng kotse saka umikot para makapasok na rin. Nang nasa loob na 'to ay napairap na lang ako sa ere matapos niyang pindutin ang child-lock habang nakikipagtitigan pa sa 'kin.
"Now this is really k********g, Noah Evans!"
He laughs heartily as he brings life to the car's engine. Kung saan man kami pupunta ngayon ay talaga namang wala akong ideya. Ang alam ko lang ay may inihandang farewell-tama bang tawaging farewell party 'yon kung babalik naman si Havoc sa Rapscallion pagkatapos ng isa o dalawang buwang pamamalagi sa Grivence para maging head of security ni Sinichi?
I silently watch Noe taps his fingers unto the steering wheel as the silence continues to dwell and conquer the two of us. On the verge of closing my eyes, Noe speaks all of a sudden, "He's back, saw him on downtown earlier." Unti-unti kong iminulat ang talukap ng aking mga mata at painosenteng bumaling dito, nagpapanggap na wala akong ideya sa sinasabi nito kahit na malinaw naman sa 'kin na si Kylué ang tinutukoy niya.
"I did not expect such cold-shoulder about my news, aren't you excited that Kylué's-"
"He's just a phase. I'm over him..." or maybe I just learned to cope up with the feelings of not having Kylué around. It's been one month and two weeks anyway.
"You actually believe on that-"
"I'm getting uncomfortable with this, aren't you? Kylué and I had something going on between us for a while. It means I could be gay." nagkibit-balikat lang si Noe sa tinuran ko ngunit hindi ito nanahimik. Patuloy siyang nagsalita na hindi ko na ginawa pang intindihan hanggang sa manlaki ng labis ang tainga ko dahil sa partikular na mga salitang huli niyang pinakawalan dahil narating na namin ang destinasyon.
"To fall in love is a poetic death sentence and I think you're ready to die."
Pagbaba ng kotse ay dinampot ni Noe ang isang stick at nilabas ang cellphone niya para gawing flashlight. Malalim na ang gabi ngunit walang buwan tanging ang mga bituin lamang ang kasalukuyang nagbibigay tanglaw sa kalangitan. Higit sa kawalan ng buwan, mas gusto kong itanong kay Noe kung ano bang ginagawa namin sa gitna ng masukal na lugar na 'to sa ganitong oras ngunit hindi ko ginawa.
Gamit ang pinulot niyang stick ay hinahawi ni Noe ang mga ligaw na damong nakaharang sa 'ming daraanan. Ilang minuto pa ang lumipas tumambad sa 'min ang isang abandunadong swimming pool.
"Pax, you owe me some bucks. Sabi ko sa 'yo madadala ko rito si Ivar," pagyayabang ni Noe habang pababa siya sa abundunadong swimming pool. Ang mga gago, pinagpustahan na naman pala ako.
Sa gitna ng abandunadong swimming pool ay isang bonfire kung saan nakapalibot sina Pax, Lic, Havoc, Wales at Ryu. May hawak na tig-iisang bote ang mga 'to at sa kaliwa ni Havoc ay namataan ko ang ilan pang case.
"Tatayo ka lang ba riyan, Esquivar dela Torre?" tanong ni Wales habang iwinawagayway niya sa 'kin ang hawak na bote ng pamilyar na brand ng alak.
"Nandiyan na," I said and jump off the ridge so I'd be near them instantly. Pagbaba ko sa swimming pool ay hinagis na kaagad sa 'kin ni Wales ang nakasarado pang bote ng alak. Tinapik nito ang bakanteng espasyo ng punong kahoy kung saan 'to nakaupo para patabihin ako sa kaniya.
"Walang uuwi hangga't walang umiiyak, ha?" pagbibiro ni Ryu na ikinatawa naming lahat. Gamit ang ipin, walang kahirap-hirap kong nabuksan ang bote ng alak na agad ko ring pinalasap sa 'king dila't lalamunan. Habang masayang nag-uusap ang lahat ay hindi ko magawang maramdaman ang emosyon mayroon ang lahat.
While they're enjoying the night, I on the other hand gets drown and sick of it. Everyone's busy sharing their hillarious experience or encounter on their different mission while I can't relate because I'm not into it-my mind is in somewhere else.
"Esquivar." Wales calls me while snapping her fingers. I finished drinking my beer and darted my eyes on her with a questioning look.
"Magkasama naman na tayo hindi mo na ako kailangang isipin pa nang isipin," aniya na inismiran ko na lang.
"Sinabi ko na sa 'yong tigil-tigilan mo na si Esquivar, Wales." Muli akong nakatanggap ng panibagong bote ng beer na iniabot ni Ryu kay Wales bago ko tuluyang nakuha.
"And why is that?" Wales LeStrange pouted her thin lips. "Look. He finally cuts his hair-argh, so sexy!" she mouthed the last two words of her statement to me.
"Speaking of hair. I saw Kreios with his ex-girlfriend/stepmother in a hair salon earlier this-" kaagad na itinikom ni Wales ang bibig at uminom na lamang ulit nang pasimple ko siyang sikuhin.
Ryu laugh forcefully to ease the heavy atmosphere that builds after Wales open up a topic about Kreios and Valkyrie. "What? It's not a big deal. It's not as if we're actually in love or I am in love with him. Bahala siya sa buhay niya.
A sighs of relief came out of Wales. "Mabuti na lang. Ang weird lang kasi talaga kung magkaroon sila ng affair na dalawa-"
"Wales!" biglang hiyaw ni Noe. Hinawakan ni Ryu ang braso ni Noe at sumenyas na ayos lang ang mga nangyari kahit na halata namang naapektuhan siya ng mga sinabi ni Wales.
"I'll go check on my trainee," sabi ni Ryu habang ipinakikita sa 'min ang cellphone niya. Ilang segundo matapos nitong umalis ay sumunod sa kaniya si Noe at kaming mga naiwan dito ay nabalot na nang matinding katahimikan.
"I didn't mean too-" Hindi na natapos pa ang sasabihin ni Wales nang umalis na 'ko sa tabi nito at lumabas na rin sa loob ng abandunadong swimming pool.
With a clear decision that I want and will go back to Rapscallion Main House. Nagsimula ko nang tahakin ang direksyon na tinahak namin ni Noe para makarating sa bakanteng swimming pool. Tahimik at maayos ang unang minuto ng aking paglalakad pabalik ng main highway hanggang sa mabulabog ako ng ingay ng isang pusa. Wala sa sariling luminga-linga ako at dahil wala naman akong flashlight, inabot pa ng ilang minuto bago ko nakita ang isang kulay itim na kuting na nasa bandang unahan lang pala nang nilalakaran ko.
"Swswswsw." I chanted continously until the kitten and I met half way. Nakangising dinampot ko ang malinis at mukha ngang alagang kuting. Muli kong pinasadahan ang paligid, nagbabaka sakaling baka may ibang tao sa paligid at siya ang amo nang napulot kong kuting. Nang walang makitang ibang tao ay muli akong nagbaba nang tingin sa pusa habang ang kamay ko ay humahaplos na sa balahibo nito.
"Good job, Prii. You found him." Awtomatik akong napaatras para lumayo sa lalaking tumalon galing sa isang puno at ngayon ay nasa harapan ko na.
"Ivar, Prii adores you too-"
"Putangina," tanging nasabi ko nang mas lumapit pa sa 'kin ang lalaki at nakumpirma na si Kylué nga 'to.