"Trouble never look so goddamn fine."
xxxxxxx
I closed my eyes with a hope that the warmth of my bath will soothe and calm me from my chaotic thoughts. Hindi naman bago sa 'kin na malunod sa sandamakmak kong iniisip gabi-gabi. Parating nangyayari ang bagay na 'to. Ang iba lang ngayon ay iba ang bumabagabag sa 'kin. Ibang tao ang pilit kong tinatakasan. Bagong pakiramdam na naman ang pilit kong binabalewala at binabaon sa likod ng iba ko pang mga problema. Mas nakakatakot 'tong ngayon dahil alam kong kapag nagpadala ako ay maaring hindi na ako makabalik pa. Tuluyan ko nang hindi makikilala ang sarili ko. Kapag nangyari 'yon, sino na lang ang makakaalala sa isang Esquivar Dela Torre—wala na.
Gumalaw ako nang bahagya. Ang mumumting pagkilos ko yung ay naging dahilan para matapon ang tubig galing sa bath tub. Nang maging kumportable ako sa apat na sulok ng tub ay kinapa ko ang wineglass na nasa gilid katabi ng mga nakasinding scented candles.
"Baby, what's stopping you?"
Dali-dali kong iminulat ang aking mga mata nang marinig ko na naman galing sa 'king utak ang malalim na boses ni Kylué at apat na salitang tinanong nito sa 'kin.
Ano nga ba ang pumipigil sa 'kin? Bakit ko pinipigilan ang sarili ko? Ang mga sagot sa tanong na 'yon ay 'di ko mahanap sa 'king utak o baka alam ko namam na. Ayaw ko lang aminin. Ayaw ko lang tanggipin. Ang impossible naman kasi. Paano ako mahuhumaling sa lalaki? Sa rami ng mga naging babae ko, sa rami ng tao sa mundo bakit sa isang lalaki ako magkakaganito? Bakit kay Kylué?
Pinilig ko ang aking ulo. Maybe this ain't really what it feels it is. Kylué is like a fresh air for me, he is delightful as a person and it could be the reason why I am drown to him. If that so then I shouldn't think about him and this because like anyone else that I met and became intimate with. Soon, it'll be over.
"Puta!" malutong kong mura. Humagikhik si Kylué sa naging reaksyon ko. Nilingon ko ang pintuan ng aking kuwarto. Nakasarado pa rin naman 'yon at ayon sa naalala ko. Ang susi non ay nasa bulsa ng pantalon na suot ko kanina na nasa loob ng bathroom.
Umihip ang malamig na hangin na nagpasayaw sa manipis na telang nasa french door na malapit sa maliit na salas ng kuwarto. Agad kong napagtantong doon ito dumaan.
"Itetext dapat kita kaya lang wala akong number mo—"
"Hindi ko rin naman ibibigay, Kylué. I only text people that I want to fuck." Tinuloy ko ang pagtutuyo sa basa kong buhok gamit ang mas maliit na towel. Kylué sat on my one-seater couch, his eyes is still securing me though. "Napaka-fuckboy mo pala talaga kung gano'n. Ilan na ba sila?"
Binaba ko ang kamay na may hawak sa maliit na towel saka unti-unti siyang hinarap, naguguluhan na sa takbo ng aming pag-uusap. "Am I gonna end up like them too, Ivar? Just a phase? Ryu told me that you only see every partner of yours as phase. May kailangan ba akong gawin para hindi ako matulad sa kanila?" natameme ako. Kung saan-saan ako dinala ng aking pag-iisip dahil sa sinabi ni Kylué kaya natagalan pa bago ako muling nakapagsalita.
Have you ever look at someone's eyes and see so many things in it that you told yourself secretly that you can lie while staring at it? That's what I'm feeling right now. Tuluyan ko nang tinalikuran si Kylué. "Hindi ka matutulad sa kanila... Wala naman kasi akong balak na patulan ka at ang kalokohan mong 'to," pagkasabi ko nok ay dumiretso ako sa walk-in closet para sa damit na isusuot. Iniwan kong nakabukas ang pinto para kung sakaling magsalita 'to o umalis na ay maririnig ko.
Bago ko pa man matanong sa sarili kung wala na ba si Kylué ay narinig ko siyang magsalita. "I have a confession to make," panimula niya. Sinarado ko ang drawer na pinagkuhaan ko ng pants at kulay gray na t-shirt. Natapos na 'ko lahat-lahat sa pagbibihis ay hindi pa rin nadudugtungan ang sinasabi niyang 'yon hanggang sa itinulak na 'ko ng mga paa ko palabas ng walk-in closet. Sa kaparehong p'westo kung saan ko saan ko siya iniwan pagpasok ko para magbihis ay nandoon pa rin si Kylué. Matiyagang naghihintay sa akin.
"I like you," anunsyo niya. Keeping a straight face. I walk towards him but just when I was about to pull him out of my couch to walk him out of my room. He starts talking again. "Nine years old ako nang dumating ka rito kasama ni Kraige, naalala mo ba 'yon?" sasabihin ko na sanang hindi para matapos na kaagad ang pag-uusap naming 'to kaya lang natigilan ako. Umahon mula sa akin ang memoryang tinutukoy niya, alaalang hindi ko inakalang mayroon ako—kaming dalawa.
Naalala ko na.
"That time, I was riding my bike for the first time. I met a small accident, I had my knee wounded and I'm crying hard." Kylué Amorue chuckled. Wala sa sarili kong pinasadahan ang tuhod nitong balot ng kaparehong pantalon na suot niya kanina noong nasa club kami. "Dumating ang kotse ni Kraige. Lumabas siya pero hindi niya pinansin ang pag-iyak ko. Tiningnan niya lang ako nang masama saka iniwan. Nang ikaw na ang lumabas, susunod ka na dapat sa kaniya pero napansin mo 'ko. You look at me and though I was scared of you because you have bruishes all over your face, you felt familiar. I don't know why but you did. For the first time, after my Mother died. I find someone in RMS that gives me comfort. It was you. It took me years to figure it out because I kept on denying it but right from the start. The chubby and crybaby Kylué's already yearning for you."
Bumuntong-hininga siya at tumayo na mula sa couch. Namumulsa na ito nang magawa niya akong nginitian. "I've never felt this brave. How 'bout you, Ivar? When will you be brave? When will you have the courage to figure out what you feel? I know that there's something. You're feeling something for me otherwise you won't kiss me back."
When he left after his 'confession'. I was left in awe. Not knowing if I should be flattered or what. Nakatulala lang ako sa french door na pinaglabasan niya. Kung hindi pa ulit gumalaw ang kurtina roon sa pag-ihip ng hangin ay 'di ko pa magagawang ibalik ang sarili ko sa tamang wisyo.
Lalakad na sana ako papunta sa french door para isara 'to nang mahagip ng mata ko ang isang hindi pamilyar na damit sa ibabaw ng couch kung saan naupo si Kylué. Sa taas ng damit 'yon ay piraso ng parang matigas na papel—ticket. It's a concert ticket of Cigarette After s*x on Saturday night. Bukas na 'yon.
Nangunot ang aking noo. "Hindi ko alam na magko-concert pala sila rito." Ilang beses kong sinuri at kahit na hindi ako eksperto ay masasabi kong totoong ticket 'to. Nang tantanan ko na ang pagbubusisi sa ticket ay ang kulay itim na t-shirt naman ang binulatlat ko. It's in large size, american. Sakto sa 'kin. On the chest part of the shirt is white ink that says the band's name.
I'm confused. Is this gonna be a date? Is he asking me for a date? Putangina, bakit parang ang baduy?