Chapter 73: [Flashback]: Denial "I want to go back." Ito ang unang salitang sinabi ni Hikari matapos siyang mapunta rito sa ibang bansa sa loob ng ilang araw na pananahimik at pagtulala. Iyon nga lang ay ang mga salitang sinabi nito ay agad nagpabahala kina Sayin at Emiko. "Hija? What are you talking about?" gulantang na saad ni Sayin. Hikari was lowering her head at them kaya hindi nila masyadong nakikita ang ekspresyon sa mukha nito pero dahil sa mumunting kilos nito na pinaglalaruan ang sariling sarili at hindi masyadong mapakali ay alam nilang kinakabahan ito at naaaligaga. "I-I want to go back." pag-ulit nito sa sinabi at umiling-iling. "S-Siguro mali na nagpunta pa ako rito. H-Hindi ako dapat umalis dito." Inangat ng dalaga ang mukha at nakita nila ang sunod-sunod na pagpatak ng

