Chapter 59: A Sense Of Betrayal "What?! He hurt you?!" Iyon ang sigaw ni Emiko galing sa kabilang linya nang ma-ikwento niya ang nangyari kahapon. Hindi naman siya makasagot rito at rinig niya ang paghinga nito nang malalim na para bang pilit pinapakalma ang sarili. "Hikari, that was wrong!" She lowers her head. "I know." "Then what happened next? Ganun na lang ba 'yun? Wala ka bang gagawin?" nag-aalalang tanong nito. Hindi naman siya makasagot ulit. "What? Hikari? You're just going to forget it?" hindi makapaniwala nitong ani. "Ano namang magagawa ko?" mahina niyang tanong. Hikari really doesn't know. This morning, Hinata acted like nothing happened and they didn't quarrel. He was back to smiling at her as if he's still her loving brother... but his actions change subtly. If it was

