Kabanata 16 Disgust “B-bakit ngayon mo lang sinabi?” Mahina pa rin ang boses niya, hindi pa nakakabawi mula sa pagkabigla. Alam kong malaki talaga ang impact nito sa kanya lalo pa’t pangarap niyang magka-anak kami. Kaya hindi ko siya masisisi kung bakit ganito ang reaksyon niya. “Ngayon ko lang din nalaman. Kaya ako nagpasama sayo sa mall kasi gusto kong bumili ng pregnancy test. I want to have evidence to prove that I am really pregnant. At doon ko lang din nalaman sa mall na nagdadalang-tao nga ako at ikaw ang ama. I was so happy knowing the fact that I am pregnant and you are the father, kaya pumunta ako sa parking lot para sabihin sayo ang nalaman ko but then again, I saw you with that woman. Muntik ko ng piliin na umalis nalang at magpakalayo-layo kasi nasaktan ako pero mas pinil

