Ristelle's POV
Nung 3rd year high ako tahimik lang ako may kaibigan pero hindi ako ganun kasocialize siguro dahil ayoko na aattach sa isang tao.
Unlike this year, hindi na natahimik ang buhay ko dahil sa isang tao.
taong nakilala ko din nung 3rd year ako dahil dinadalaw nya ang girl friend nya na classmate ko na unfortunately ex na lang.
hindi nya pa ko kilala nun, ako oo.
kasi narinig ko na tinawag sya ng ex nya one time.
"Penge na kasi ng number mo! Ang damot mo naman parang hindi naman tayo magkaibigan nyan eh!" pangungulit na bulong pa rin nya sakin.
"Kaibigan ba kita?!" naiirita na sabi ko. kanina pa kasi ang kulit!
"Ouch naman, ang sakit mo naman magsalita anne." kunwaring nasaktan na sabi nya habang hawak ang dibdib nya.
tss problema ba kasi nito? maka anne pa. Feeling close eh =_=
"BAKIT BA ANG KULIT MO?!" sigaw ko.
"Ms.Perez! Go to the guidance office NOW! shouting during discussion is 1st offense! I'm very dissapointed running for valedictorian ka pa naman!"
hiyang hiya na yumuko ako.
gusto kong maiyak tama naman sya eh dapat alam ko kung paano kumilos ng tama.
"And as for you Mr.Levestre go to the guidance office too! Samahan mo sya tutal ikaw naman yata ang dahilan kung bakit sya sumigaw."
"Anne .. tara na." yaya nya sakin sabay hawak sa braso ko.
Marahas ko yun na tinanggal at tinignan sya ng masama, bago ako tumakbo palabas ng room.
Nagpunta akong cubicle at ni lock ang pinto.
doon ko nilabas ang luhang kanina ko pinipigilan.
After 15 minutes
Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas, bago kasi may makahalata pang umiyak ako.
Paglabas ko nakita ko si Jelo na nakasandal at parang may hinihintay,
lalagpasan ko na sana sya ng pigilan nya ko.
"S..sorry hindi ko naman s..sinasadya." nakayukong sabi nya.
"Maibabalik ba nyan ang nangyari na?!" pinipigilan kong hindi magalit dahil ang babaw lang ng dahilan kaya ko sya nasigawan kanina.
but I can't help it.
Feeling ko galit na galit ako sa kanya noon pa man na hindi ko pa sya kilala.
I hate him. kahit wala syang gawin.
Tuwing titingin ako sa kanya naiinis ako.
There's something inside my heart that force me to hate him. MORE.
"Bakit ba galit na galit ka sakin?? First day pa lang na nginitian kita inirapan mo na ko! Nakikipagkaibigan lang naman ako sayo ah!" tama sya.
"Bakit?" natanong ko. Alam kong alam nya kung anong ibig kong sabihin.
alam kong dahil sa peste nyang ex kaya sya nakikipagkaibigan sakin.
Because I know EVERYTHING.
pero hindi ko close yung ex nya baka akala nya! tsk.
"..."
As expected hindi sya nakasagot.
That's why I hate it.
I hate him.