AFTER THAT incident, I went to Cessair's house to tell him that I saw Morana with Dolion. Hindi pwedeng ako lang ang nakakaalam, mas higit na nakabubuti kung alam din ni Cessair, sapagkat mahalaga rin si Morana sa kanya. Ngunit halos kalahating oras na ako sa labas ng bahay niya pero wala pa ring lumalabas. Sobrang init ng paligit ngunit tinitiia ko. Hindi ako pwedeng umalis dahil baka bigla siyang lumabas. This is an emergency. Bakit ba kasi hindi ko alam ang numero ng kanyang cellphone, mas magiging madali sana ang paghahatid ko ng balita. Pinindot ko ulit ang doorbell at sumilip sa maliit na siwang sa gate. Nakita kong nagbukas ang main door at lumabas si Sythe. I know him, isa siya sa mga Ruler. But the question is, why he is here? Magkaibigan ba sila ni Cessair? "Hey! Open the gate

