"Gising na s'ya." Agad akong napakapit kay Khalil at ipinasa rito ang sanggol. Ayon sa doctor ay maayos naman daw ang lagay ni Baby at ni Pluma. Nang maipasa ko rito ang sanggol ay pumasok ako sa silid. Gising na nga si Pluma. Halatang pagod na pagod ito, pero nakuha pa ring ngumiti. Iyong ngiti na hindi abot ang ningning sa kanyang mga mata. Umupo ako sa tabi nito at ginagap ang kanyang kamay. "Good job!" nakangiting ani ko saka hinaplos ng isang kamay ang pisngi nito. "Bumalik ka ba para kunin ang anak natin?" nagsalubong ang kilay ko sa naging tanong nito sa akin. "Ha?" naguguluhang balik tanong ko rito. "Nandito ka ba para kunin ang baby natin? Nakikita mo ba ako na hindi fit maging ina sa kanya?" naluluhang tanong nito sa akin. "Iniisip mo bang ayaw ko na sa 'yo at ang int

