Lowi Watson's POV “PIA, excited na ako sa kasal natin.” Kinintalan ko ng halik si Pukay sa manipis niyang labi. “Ako rin, s’yempre. Pero napansin ko lang, Lowi. Pia na ang tawag mo sa akin at Lowi na rin ang tawag ko sa ‘yo.” Humagikhik si Pukay sabay harap sa akin. Humingi ulit ito ng halik. Hinalikan ko naman agad siya bago pa masira ang mood. “Oo nga, gusto kong sanayin ang sarili ko dahil ang hirap iungol ng, ‘Pukay, ohh, Pukay, ang sarap, Pukay.’ Gusto mo ba iyon?” nakangiting tanong ko, napahalakhak naman si Pukay sa kalokohan ko. Totoo naman. “Oh, Lee-bog, ahh! Yes, Lee-bog. Diyan, masarap diyan!” gumawa rin ng sariling ungol si Pukay kaya pareho kaming natawa lalo. “Ikaw talaga, puro kalokohan. Pero mahal na mahal kita, Pia. Pangako mo, kahit ano ang mangyari walang iwanan ha?

