Pukay's POV PATULOG na sana ako, pero nangati ang ilong ko kaya nangulangot muna ako. Habang titig na titig sa kisame iniisip ko si Mahal. Nakatanggap ako ng message, naglalambing na bisitahin ko naman daw siya sa probinsya kapag may panahon at oras ako. Naisip ko naman, mukhang hindi naman ako gaanong kailangan ni Lowi sa bahay niya kaya possible na ‘kong payagan kung magpapaalam ako nang maayos. Parang taong bahay lang naman talaga ako ni Lowi. Akala yata gaya ako ng aso na tagabantay ng bahay niya. Minsan naiisip ko baka gusto niya rin akong tumahol. Paano ba naman kasi mas gusto lang niyang may kasama kaysa magtrabaho ako. Mag-alaga na lang sana siya ng aso. Nabo-boring ako sa totoo lang. Hindi naman niya ako madalas isama sa mga lakad niya. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong mon

