Ang daming pinagbago ni Pukay kaya mas lalo akong natuwa. She is starting to become responsible and mature. Kung dati wala siyang pakialam kung may naapektuhan na ibang tao, this time, she chose to wait for her replacement. I am so proud of her. May pagkaisip-bata pa rin minsan pero okay na rin. Mahal ko ang kung anong ugali at pagkatao si Pukay, her manners and behaviour lahat natural. Pero ako mas naging seryoso na. Halata rin naman na alam ni Pukay na seryoso ako sa mga sinasabi ko. Napansin ko na madalas na siyang kabahan lalo na sa tuwing magkakalapit kami. Mas aware na siya ngayon sa nararamdaman niya sa akin at higit sa lahat, umamin na rin siya. Hindi mahilig o sanay sa fancy life si Pukay kaya hindi ko binabago ang mga nakagawian niya. Even my parents have no plan to force h

