Sinarado ni Maqui ang pinto sa likod ni Julie habang tinutulungan ang huli ng kanyang asawa papunta sa loob ng kanilang bahay. "Dahan dahan lang muna Sioppy ah." Sabi ni Elmo. Mahigpit ang hawak niya sa kaliwang kamay ng asawa. Walang masamang pwedeng mangyari dito. Nakangiti na tiningnan ni Julie ang asawa. "Sioppy ko, yung braso ko yung may injury, hindi yung buong katawan ko." "Kahit na...maghanda ka, parang glue ako sa'yo." Elmo said. Hindi nila nakikita pero napapaikot na ang mga mata ni Maqui habang tinitnignan niya ang dalawa sa harap niya. "Mag-asawa na akala mo pareho pa rin 16 years old." "Naririnig ka namin Maq!" Tawag ni Julie at medyo lumingon pa sa kanyang likod na nakatawa. Sumimangot si Maqui. "Dapat lang marinig niyo iyon! Makire kayong dalawa eh." Nauna na ito

