Umupo agad ako sa bakanteng upuan na nandoon at nakipagkamay sa kanya. Bahala na kung anong isipin niya basta ayoko lang na makita ako ni James or if ever man na makita niya ako atleast makita niyang may kadate ako. Wala na akong pakealam kung ano man ang sabihin ng lalaking to sa akin. I didn't even look at him basta na lang akong umupo at nakipagkilala. "Hi, I'm Jeyjey Castillo...nice too meet you," maangas kong pahayag at walang babalang hinawakan ang kanyang kamay. Hindi na alintana ang makahulugang tingin niya sa akin. "My sister and brother keep on telling that you are kind and helpful. Ahhhmmm, mabait daw," ani ko pero hindi naman nakatingin sa kanya. Nang makita kong dadaan si James dito sa malapit sa amin, inayos ko ang aking buhok at nagsalamin para hindi niya ako mahalata.

