Pinagamot ko sila I admit masama akong tao kung sa masama. Wala akong sinasanto sa lahat kaya lang naawa ako sa history ng pamilya niya. Pina-imbestiga ko sila at doon ko nalaman na ginigipit sila ng Mayor sa kanilang lugar, isang halang ang kaluluwa ng kanilang Mayor. Mayor Daniel Katigbak, maraming elegal na gawain, mapanlinlang sa kanilang lugar. Matapobre ang pamilya, pinagtatrabaho sa kanilang hacienda ang mga taong mahihirap at halos kulang ang mga sahod lagi. Ginigipit lahat ng mga magsasaka sa kanilang lugar at ginagawang business ng hinayupak na mayor nila kaya nakapag desisyon akong ipaligpit ang kanilang Mayor, nagpagawa ako ng mga ebidensiya laban sa kanya at sisiguraduhin kong mananagot siya. If ever man na kaya niyang baluktutin ang batas, ang batas ko ang huhunting sa kanya.

