"Hindi ko alam na may pagka manyak din ata ang Mayor na yun,"ani ko na lang ng makatalikod si Mayor Kennedy. Halatang halata kasi siya, lalo na sa mga kilos pa lang. "Inaaya lang siyang kumain sa labas...manyak agad," ika naman ni Glorina. "Type ka ata ng Mayor na yun Riza," sagot naman ni Jenny na hindi pinatulan mga sinabi namin. Tiningnan kami ni Riza ng nakataas ang kilay, may gusto siyang sabihin na hindi niya naman masabi. Hanggang sa sumabat si grey at gusto niyang magpaliwanag kami tungkol sa video na kumakalat. Nagkatinginan kami ni Glorina at tinuro si Jenny. Sinabi naming siya na lang ang mag explain tutal siya naman ang may pakana ng lahat. Nag explain naman si Jenny na aksidente lang lahat ng mga nangyari na wala namang may kagustuhan ang nangyari doon. Hanggang sa magtano

