Na shock ako sa kanyang pag akbay sa akin. Hindi ko akalain na gagawin niya yon, nasapian yata ang lalaking to at paiba iba ang ugali. Napa- amoy tuloy ako sa aking sarili kung mabango ba ako at nahiya ako sa paglapit niya sa akin. Naiinis ako at the same time natutuwa sa kanyang ginawa. Naguguluhan din ako kung bakit siya nagkakaganyan, I know there's something and that's what I want to know.
Natulala ako sa pagpayag niyang mag picture daw kaming dalawa infront of every body. Nag iba na ata ang ihip ng hangin, gusto ko nang magpamisa sa nangyayare. I'm overwhelm, sana hindi panaginip lang to. Kinikilig ako ng sobra, I was dreaming for this to happen. I was still immagining when he whisper to me at sinabi niyang "We will act here and you should behave, mind every words that you will tell/answer them or else there would be consequences", sabi niya.
Ang tagal bago nag sink in sa akin ang kanyang sinabi. Napatingin ako sa kanya, ok na sana kung hindi siya nagsalita. Panira talaga kahit kelang ang lalaking to sa moment ko. Habang tinitigan ko siya lalo siyang gumagwapo sa paningin ko, perfect na perfect huwag lang sana magsalita. Nakatingin ako sa kanya ng biglang may nag flash sa amin, doon lang ako natauhan at bumalik ang attention ko sa kasalukuyan.
" Look honey, they look good together, it's perfect right? How lovely? I love seeing them like that," puri ni tita sa amin ng kanyang anak habang kinukuhanan ng picture.
Namumula ako sa hiya lalo na at may mga bisita pala silang iba and as I know mga pinsan niya sa mother side siguro at kilala ko naman sa father side, I am imagining him and we are in front of them. "s**t, nakakahiya talaga. Isipin na naman ng kumag na to na patay na patay ako sa kanya na kahit na totoo naman, sa isip isip ko. "Huwag ka masyado pahalata girl,' sabi din ng isang bahagi ng isip ko.
"Yeah!!!They are perfect together, take another shot. Asked them to look at the camera and smile," sabi naman ni tito na nakangiti sa amin.
Hindi ko nga alam kung ngingiti ba ako or hindi. Ang awkward ng situation, tinaasan pa ako ni ate ng kilay noong napatingin ako sa kanya. Hindi man lang ako icheer, kainis na ate yan kaya tumandang dalaga eh!!!When I look at James hindi ko akalain na nakatingin pala siya sa akin. Napaka serious ng tingin niya, namula tuloy ako. "Kalma self," I said to myself.
"Why are you looking at me like that?, Sabi ko na nagtatapang tapangan.
Tinaasan niya lang ako ng kilay at iiling iling sa akin. "I am wondering, what is so special about you that my mom will like you so much. You're only an average woman as everybody else to me. You are not sexy and beautiful like all the girls I met," sabi niya na ikinakulo ng dugo ko. Ok na sana ang lahat pero pinapainit niya talaga ang ulo ko kahit kelan ang lalaking to.
"And so what if I am not the girl you are dating or playing with. I am different from them, hindi ko pokpok na pumapatol sa kahit na kanino," sabi ko sa inis. Malapit ko na tong masapak talaga hindi proke't mahal ko siya gaganyanin niya ako. Hindi naman ako papayag niyan.
"Guys, look at the camera and smile. Mamaya na kayo magbulungan diyan ha," sabi ng mama niya. Nagtinginan kami sabay tumingin sa camera.
" I will count 123 then smile ok, now be ready 1...2...3...click", sabay kuha ng picture sa amin.
"Oh!!!ulitin natin guys, anak James smile please kahit ngayon lang. Give your best in smiling," his mom said.
"Whatever, make quick mom. I want to seat now....," magsasalita pa sana ng bigla kong kurutin. Ang harsh talaga kahit sa ina. Nakakunot ang noong tumingin sa akin kaya pinanlakihan ko siya ng mata.
"Try to smile para makaupo na tayo at pwede ba talk nicely to your mom," sabi ko ng nayayamot na boses pero mahina yung kami lang na dalawa ang makakarinig. Inulit namin ng ilang beses pero wala talagang makitang maganda na kuha si tita .
"Pwede ba umayos ka kase para matapos na. Hindi ka ba marunong ngumiti," sabi ko na naman sa kanya at naiinis na ako paano kami matatapos nito kung tumingin sa camera para namang kakain ng tao. Nakakatakot ang kanyang hitsura.
"Sige na mom," James said at inakbayan ako sabay tingin sa mukha ko at ngumiti. Kinuhanan kami ng kanyang ina sa ganoong hitsura.
"Perfect, perfect," pumalakpak pa siya sabay lapit agad sa kanyang asawa. Binitawan niya na ako ng matapos kaming kuhanan ng kanyang ina ng picture.
"Hon, look see this"...ipinakita niya ang aming kuha sa kanyang asawa na tuwang tuwa. "I love this, perfection," magpapagawa ako nito at ilalagay ko dito sa bahay," sabi niya. Kumukuha ako ng inumin at pagkain ng mabigla ako sa kanyang sinabi. Napatingin ako sa kanyang anak, nakatingin siya sa kanyang ina na hindi na maipinta ang kanyang mukha.
Nalungkot ako bigla, ayaw niya bang mag karoon kami ng picture. "laban lang self, kakaumpisa pa lang gusto mo nang sumuko. Paibigin mo siya, give yourself a try. Lapitan mo siya and seduce him, mapapamahal ka din sa kanya soon," kausap ko sa aking sarili. Mapapaibig din kita, ako lang ang pwedeng magmahal sayo. Ok lang kahit na magkaroon ka ng flings pero at the end ako din ang makakatuluyan mo, sa isip isip ko habang nakatingin sa kanya.
"Do everything you want to do honey as long as the kids want and why not," sabi naman ni tito. Ang sweet talaga ng ama ni James sa kanyang ina. Ganyan din sana si James kaso malabo pa sa pinakamalabo ang lalaking to. Huwag ka ng umasa kung siya din lang ang pag uusapan. Nasanay na siya ang nilalapitan, what to expect diba. Lalapit sana ako kay ate pero busy sa pakikipag usap sa mga pinsan ni James na iba kaya kay James na lang ako lumapit at wala pa akong masyadong kakilala sa mother side niya. Pinsan niya sa mother side ang mga dumating. Naglalagay siya ng alak sa kanyang kopita ng makalapit ako sa kanya.
"Is it ok to drink with you. Wala pa kase si ate Karen wala akong makausap you know," paliwanag ko ng tinaasan lang ako ng kilay ng lalaking to.
"Find someone else not me,"masungit niyang sagot. Ang sarap talagang tirisin ang lalaking to.
"Alangan naman na magpapansin ako sa mga pinsan mo para kausapin lang ako. Atleast sayo kahit na may pagka abnormal ka kilala na kita," sabi ko ng bigla siyang tumingin sa akin ng masama.
"What did you say? Repeat again lady"...sabi niya ng dahan dahan na lumalapit sa akin. Napaatras ako ng dahan dahan din.
"I mean kahit na masungit, mabait at gwapo naman, " sabi ko sa awkward na situation. Nasa dulo kami kaya hindi ako maka takbo dahil may pader sa likod ko. "Stop right there, will you?' sabi ko pa.
"Try to run and shout, I will punish you severely. I will assure you that. I already told you don't come near me but why you always coming and pissing me off lady, " sabi niya ng makorner niya ako sa gilid at itinukod ang mga kamay sa magkabilaan ko. Halos nakayakap na siya, sa lapit ng aming katawan. Nakatitig siya deretso sa mata ko na halos maduling na ako sa lapit niya. Nagtagal kami sa ganoong hitsura ng ilang minuto.
Akala ko hahalikan niya na ako kaya hindi sinasadyang naipikit ko ang aking mga mata sa lapit namin ng bigla siyang bumulong. "huwag kang umasa na hahalikan pa kita ulit", sabi niya na ikinahiya ko. Napamulat ako bigla at namula sa kanyang sinabi. Pesteng lalaki to ang galing niyang mamahiya.