Pagkatapos kong maligo narinig ko na naman na may kumakatok sa pintuan ko kaya binilisan kong magbihis para makalabas na. Paglabas ko ng kwarto nasa labas pala si ate Linda at hinihintay akong lumabas. Mabuti na lang at nasara ko agad ang aking kwarto kaya hindi niya napansin si Jayjey dun. “Senyorito kanina pa po kayo pinapatawag nila ma’am,” sabi niya sa akin. Tumango ako sa kanya at sinabing bababa na ako. “Sige Senyorito nasa kusina na po silang lahat nag aantay sa inyo,” dagdag niya pa. “Ok ate Linda thank you,” maikli kong sagot at nagsimula nang bumaba. Sinalubong agad ako ni mom pagkababa ko. Nakita kong kumakain na pala sila ng pananghalian samantalang hindi pa kumain si Jeyjey kahit na kaninang umaga din. Binati nila ako at sinabihang nauna na silang kumain dahil hindi na ak

