Sumisigaw ako sa kanila ng biglang may flower base na lumipad papunta sa mukha ko. Umiwas ako dito kaya sa pader ito tumama, napamura ako bigla muntik na ang mukha ko doon ah ani ko sa aking sarili. "Tang ina mo ka, gusto mo ba kaming pulbusin dito. Mabuti na lang at nadala ko sa closet ang mag iina," ani Shadow na lumitaw na habang umuubo. Napatingin ako sa mga kasama nito na ganoon din, nag sisiubuan sila sa usok na pumasok dito ng magpasabog ako ng sabay sabay. "Sorry naman...gusto ko ng matapos na ito kaya pinulbos ko na silang lahat and beside binalaan ko na kayo diba tapos ngayon magrereklamo ka," ani ko sa mga ito particularly kay Shadow na napaka init ng ulo palibhasa hindi pa kasi nakatikim ng luto ng langit kaya ganyan kung umasta sabi ko sa aking isipan. "Bwisit ka talaga kah

