Pagdating ko sa bahay nalaman kong nasa trabaho na si ate. Nagpaalam ako na sa kwarto na lang muna ako, sinabi ko din sa kanila na huwag na akong katukin sa tanghalian at matutulog ako. Gisingin na lang ako kapag ng alauna at may pasok ako ng three oclock. Pagpasok ko sa aking kwarto nagbihis ako ng pantulog at hihilata muna ako ng ilang oras. Nakahiga na ako ng maalala ko ang sinabi ng driver sa akin, paano kaya kung gawin ko yung suggest niya? Hindi naman siguro masama kung magdamit ako ng medyo revealing pero napatingin ako sa aking hinaharap na dalawa . Nawalan ako ng gana, sabi niya nga ang liit liit ng dede ko baka punahin niya lang kapag. “Haaaayyyy…bwisit talaga ang lalaking yon. Anong magagawa ko kung hindi kalakihan ang mga dibdib ko alangan naman na palakihin ko. Basta satisfie

