Pumasok ako sa aking kwarto at dumiretso sa banyo upang mag shower bago mahiga. Binilisan ko ang pagshower dahil antok na antok na ako. Gusto ko pa sanang magbabad nito pero wala ng oras. Pagka shower ko natulog na ako agad, napakasarap matulog ng ganitong walang iniisip. Bagsak agad ang katawan ko pagkahiga ko pa lang, hindi na alintana ang sinasabi nilang date na yon. Nagising ako ng alas diyes na ng umaga. Ngayon lang ulit ako nakatulog ng matagal simula nang magkatrabaho ako bilang agent. Nag iinat ako ng biglang makatanggap ako ng tawag sa isa kong katrabaho bilang agent sa ibang bansa actually naging kaibigan ko na rin. Tinatanong kung kumusta na ako dito, nagkwentuhan kami ng halos isang oras bago magpaalam. Nakakamis din ang gagang yun ani ko. Tumayo ako at pumasok na sa banyo par

