JAMES: Naninigarilyo ako dito sa may balcony habang nakatingin sa kanyang mahimbing na natutulog. Dinamitan ko siya kanina ng aking t-shirt bago pinangko at dinala dito sa aking pad malapit lang sa kanyang pinagtratrabahuan. Sinabihan ko ang aking mga tauhan na i-clear ang area na dadaanan ko kaya nadala ko siya dito ng walang aberya. I let them monitor every area of the hospital place so that no one will know her at mahirap na. Palakad lakad ako habang nag iisip ng malalim, simula ng pumunta ako ng Italy wala na kaming time na mag usap at magkita pa sa dami ng mga problemang kinahaharap ko that time. Magpapakita sana ako sa kanya noong kasagsagan ng problema nila Jenny at Nimer pero masyadong magulo pa ang sitwasyon that time. Umuwi ako that time dahil sa problema ng gagong yun na hang

