Nagpahatid na ako sa " CITY GARDEN HOTEL," dito sa makati. Pinili ko na lang dito dahil mukhang malapit lang din dito ang subdivision na titingnan ko mayang hapon. I told my friend around 4:30 pm kami magkikita ng may ari non para masettle na ang dapat i-settle. Pagdating namin sa hotel tinanong ko ang batang driver na to kung gusto ba niyang magtrabaho sa iba. Napatingin siya sa akin at tinanong kung ok lang ba daw na hanggang high school lang ang natapos niya. Napangiti ako at tumango, sana nga daw makalipat na siya agad at pahirapan daw ng trabaho ang kanilang ginagawa dito. Sa kanila pa daw ang pagkain kaya halos wala ding matira sa kanya. Napabuntong hininga ako at sinabi kong tawagan niya ang number na to. Sinabi ko din na banggitin lang ang pangalan na "Ms Castillo" alam na nila

