"Dude, wait naghuhugas ka ba?" Nanlalaki ang mata na tanong ni Kevin. "Yah! May problema ba doon," parang balewalang sagot naman ng isa. "OMG, ang kaibigan naming siga at walang kinakakatakutan naghuhugas and take note ha isang mafia na walang kaluluwa pinapahugas lang pala dito hahaha," tawang tawa na sabi ni Kevin. Napakarami niya ng sinabi kanina tapos ngayon niya lang mapapansin ang paghuhugas ko. "Problema mong gago ka, kung ako sayo puntahan mo na ang prinsesa mo doon at baka magising yun si Jayjye na naman ang kukulitin niya," yamot kong pagkasabi. Wala namang problema sa akin ang maghugas alangan naman na si Jayjey ang paghugasin ko. Pinagod ko na nga siya tapos mapapagod pa ulit. Hayaan ko na lang na matulog siya at ng makapag pahinga. "Pero matanong kita dude, seryoso ka

