JEYJEY POV: Sinundan namin ang nag aassist sa amin kung saan ang mga under garments. Pinasok kami sa isang area na puro mga bra at panty. Nakatingin sila sa amin particular sa akin at nakangiti pero mayroon ding naka simangot pero hindi maka-angal. Nakikita ko sa kanilang mukha na naiinggit sila sa pagtrato ni James sa akin. Ngayon lang kasi may inasikaso ng ganito si James at dun sila na curious. Hindi ko na nga alam kung matutuwa ba ako or maiinis, napaka strikto niya as in. Makikita mo talaga sa kanila ang paghanga, yung iba nga halos iladlad na talaga ang sarili sa kanya pero tong lalaki naman na to parang wala lang ni hindi namamansin. Akala mo Greek God na kung anong gusto yun ang masusunod, walang pwedeng bumali. “Jay come…choose baby or do you want me to choose for you?...tanong

