Natigilan ako sa narinig, kumabog bigla ang dibdib ko. Hindi ako lumingon pagkarinig ko sa aking pangalan. Nanginginig ako at namumutla, kung ano ano na pumapasok sa aking isipan. Pinindot ko ang relo kong naka attache sa lahat ng mga appliances dito kaya namatay ang ilaw. Dahan dahan kong hinihila ang aking kamay hanggang sa mabitawan nito, hinihintay ko na magsalita siyang muli pero wala na akong narinig kundi ang malalalim niyang paghinga. Nangunot ang noo ko kaya dahan dahan akong lumingon dito. Nakahinga ako ng maluwang ng makita ko siyang nakapikit. Nananaginip lang ba siya kanina or sadyang guni guni ko lang yung narinig ko, impossible naman yun. Narinig ko talaga ang pangalan ko. Nilapitan ko ito at tinitigan, bumabalik na ang kanyang dating katawan. Hindi na kagaya ng dati, nangi

