Tinago ko ang aking bag sa aking walk in closet bago lumabas ng kwarto. Niyakap ako ni ate Ligaya pagkakita sa akin. Masayang masaya daw sila para sa akin. Perfect daw tong si James at napaka genlteman daw niya. Ang dami daw niyang tinulong sa pamilya ko. Yun ang mga naririnig ko sa kanila pagbaba namin, muntik muntikan ko na silang barahin pero nagtimpi ako at ayoko munang malaman nila ang aming paghihiwalay sa ngayon. Saka ko na lang sasabihin yun, pagkaalis ko na lang dito. Kumain kami at nag kunyari na masayang masaya ako kahit na ang totoo nagdurugo ang aking puso. Tumawag din si ate nang mabalitaan niya ang aking pag uwi. Sinabihan ko na lang na tapos na ang party at kaylangan ko ng umuwi agad at marami na akong absent sa trabaho. Sinabi niya rin pala na nahuli na ang taong gustong

