"Nasaan na ba si Jenny na manunundo sa akin, nandito na ako sa airport pero hanggang ngayon wala pa siya. Anong oras ba kasi ang sinabi mo?" Tanong ko kay Glorina si Jenny kasi ang inatasan niyang manundo sa akin pero hanggang ngayon wala pa siya kaya asar na asar na ako. "Kanina ko pa siya inutusan, sabi niya sa akin nasa airport na siya. Saan na napunta yun?" Sagot naman niya sa akin. "Pagod na pagod ako ha kaya sana naman huwag na huwag ninyo akong pag hintayin na dalawa at talagang mananagot kayo sa akin," masungit kong pahayag. "Sorry na nga...wait at tawagan ko ang gagang yon," aniya. "Hurry up...I wanna go home," ani ko naman. "Ok dear...pag pasensiyahan mo na ang gagang yon. Alam mo namang simula ng maghiwalay sila ng gagong Nimer na yon naging siya na lahat ang inaasahan ng k

