“Ako na nga ang gumagawa ng paraan diba, wala ka namang pinapakilala at lahat naman ng nababalitaan namin sinasabi mong fling and you know naman hijo na simula pa lang Jeyjey is my favorite kaya pagbigyan mo na si mommy. Hindi naman lingid sa amin na mahal ka niya, maganda naman siya, mabait at responsableng bata,” mahabang paliwanag ni mommy kaya sumakit bigla ang ulo ko sa kanya. “Kaya nga kuya, seksi din naman si Jeyjey. Saan ka pa hahanap ng gaya- tinaas ko ang aking kamay para pahintuin si ate Karen sa pagsasalita. Kinunsinti niya pa si mmommy, mag ina nga silang dalawa. Napahilot ako ng aking ulo sa stress sa kanilang dalawa. Tumatawa ang aking mga pinsan at ang asawa ni ate sa kanilang sinabi ni mommy. Ako na naman ang tampulan dito, hindi na lang sana ako bumaba pa kung alam ko l

