2: Damn Scam

1783 Words
FELY'S POV Nagpantig ang tenga ko dahil sa sinabi ng manyak/papi chulo/trespasser na 'to. "Hoy, excuse me lang, ha? Bahay ko 'to! Kabibili ko lang nito tapos aangkinin mo na agad? Aba'y matinde!" nakapamewyang kong sagot. Hindi ko lubos na maintindihan ang nangyayari. Paanong naging bahay niya 'to? May legal documents ako na magpapatunay na ako ang owner ng land and property na kinatitirikan ng bahay na 'to! "What?!" "Huwag mo akong ma-what what dyan!" inis na sabi ko at dinuro pa siya. "At pwede ba magbihis ka muna?! Mag-usap tayo sa baba. Bilis!" Punyemas. Kung modus nila 'to aba'y umayos sila. Naghanap ako ng maliit na kutsilyo sa kusina at isinuksok iyon sa likod ng pantalon ko. Mahirap na, hindi ko kilala ang lalaking 'yon. Babae ako at wala pang kasama kaya kung kinakailangang saktan ko siya para makaligtas ay gagawin ko. Kailangan kong lakasan ang loob ko ngayon. Hinalungkat ko ang mga gamit ko at kinuha 'yung documents na binigay sa akin, saka ako naglakad papunta sa dining table para antayin siya. Binuksan ko na rin 'yung mga ilaw dahil magdidilim na sa labas. "Punyeta, magkakamatayan tayo dito," bulong ko sa sarili habang nilalabas sa envelope 'yung mga papeles. 'Thank you so much for trusting me Ms. Sarmiento. And I'm sorry if-' 'I'm sorry, I didn't hear that. What did you say?' 'I said I'm sorry kung medyo maalikabok na yung mga gamit dun sa bahay.' Biglang sumagi sa isip ko 'yung naging usapan namin ni Mr. Harold nung isang araw. Tangina, para dito ba ang sorry na 'yon? Napasentido ako. Sumasakit ang ulo ko! "Ay gago!" gulat na sambit ko dahil may biglang umupo sa harap ko. Agad na sumilay ang inis sa mukha ko at pinandilatan ko rin siya ng mata. "Hoy, anong pinagsasabe mo na bahay mo 'to ha?" Nakita ko kung paanong dumaan ang pagkairita sa kanyang mukha pero mabilis ding bumalik sa pagiging seryoso. "I'm telling you, this is my house. I've been living here for the past two years," kalmadong sagot nito. Nakasuot na siya ngayon ng kulay puting tshirt at itim na shorts, basa pa ang buhok niya at halatang kakatapos lang maligo. Nanunuot pa sa ilong ko 'yung amoy ng pabango niya, Armani. "Amerikano ka ba?" "No--" "Yun naman pala, eh. Ba't english ka ng english, ha? Nasa Pilipinas tayo, konting respeto naman!" inis na ani ko. Anak ng pucha, english ng english wala naman sa ibang bansa! "Oh, ayan." Inusog ko sa harap niya 'yung envelope. "What's this?" "Envelope," sarkastikong tugon ko. Hindi ba halata? Hindi niya 'yon ginalaw, nakatitig lang siya dun na para bang first time niya makakita ng gano'n. Para bang nagdadalawang-isip kung bubuksan o hindi. "Hinahawakan 'yan, hindi 'yan kusang lalapit sa'yo." He shot me a death glare before getting the folder. Nilabas niya 'yung mga papel sa loob at tahimik na binasa. Nakita ko ulit kung pa'no sumalubong ang mga kilay niya at naningkit ang mga mata. "What the hell?" "What the hell talaga," sabi ko at binawi na ang envelope bago tumayo. "Now, if you'll excuse me. I'll just get my phone and call the police." "Wait, wait!" Mabilis niya naman akong akong pinigilan at tila ba may malalim na iniisip. Na-realize niya na ba na maaari siyang makulong dahil sa ginawa niya? Gago, kung ibang tao siguro ako ay malamang humihimas na siya ng bakal ngayon. Akala ko pa naman makakapahinga na ako pagdating dito sa bahay kaso feeling ko mas lalo akong napagod. Almost 1 hour 'yung byahe ko papunta dito, ah! Hindi pa naman ako nagpahatid sa driver namin kasi nga, duh? Independency! "Who sold you the house?" tanong nito na nakasalubong pa rin ang mga kilay, parang may namumuong ideya sa utak niya. Saglit akong natigilian. Napatulala ako nang magtama ang aming paningin. Tila ba nag-slowmo at naging blurred ang paligid at tanging siya lang ang nakikita ko. Naririnig ko na rin 'yung boses ni Kim Chui na kumakanta ng 'Mr. Right'. Nakatitig siya sa mata ko habang magkasalubong ang perfectly-trimmed eyebrows niya. Para akong nalulunod sa mga titig na iyon. Kumikinang ang kulay abo niyang mga mata at tila ba nahihipnotismo ako sa ganda ng mga ito. Pinagmasdan ko ang mukha niya, pinag-aaralan ang bawat parte. Ang ganda ng hubog nito, saktong-sakto sa kakisigan ng katawan niya na animo'y nagwo-work-out araw-araw. Ang mga mata niya na kulay abo ay 'sing ganda ng langit sa gabi na maraming kumikinang na bituin. Idagdag mo pa ang matangos niyang ilong at mapupulang labi. "Hey?" Napabalik lang ako sa wisyo nang pumitik siya sa tapat ng mukha ko. Napahawak ako sa mukha ko at kinapa 'yon dahil baka may tumulong laway. Nakakahiya! Peste, baka isipin nito pinagnanasaan ko siya. Inayos ko muna ang sarili ko bago magsalita. "A-ano ulit 'yon?" "I said, who sold you the house?" "Si Mr. Harold Orteza. Bakit?" "f**k that man!" pasigaw na sabi nito at sinabunutan pa ang sarili dahil sa inis. Hala siya. "Bakit? Anong meron? Sino 'yon?" sunud-sunod kong tanong. Biglang bumilis yung t***k ng puso ko, hindi ko alam kung bakit. "He's the one I was living with." Pilit niyang pinapakalma ang sarili. "Eh, ano naman ngayon?" "Don't you get it?" Para siyang mababaliw dahil with actions pa 'yon. "Na-scam ka!" Tumindig yung balahibo ko nang marinig ko siyang magtagalog. Ang ganda sa pandinig. Pero hindi ko 'yon pinansin dahil para akong nabingi dun mismo sa sinabi niya. Na-scam ako? Paano? Fake yung mga documents na binigay sa'kin? "Pa'no nangyari 'yon?" Wow, first day of being independent tapos ganito ang mangyayari? Jusmiyo! Saan ako pupulutin nito? Tahimik lang akong nakinig sakanya. Hindi pa masyadong nagsi-sink in lahat, pero pilit kong pinapakalma ang sarili kahit gustong-gusto ko na magwala. Naloko ako! Pinsan niya pala si Harold at siya ang kasama niyang tumira dito. Shared property ang bahay kaya silang dalawa ang legal na may-ari. Ang nangyari, nilipat sa akin ang legal rights ni Harold sa bahay. Plano raw talagang lumipad ng ibang bansa nung pinsan niya kaya siguro binenta ito sa'kin. Ang kaso, lingid 'yon sa kaalaman ko. At sa kaalaman ng lalaking ito. Ibig sabihin, kaming dalawa na nitong lalaking nasa harap ko ang may-ari ng bahay. "You didn't even bother checking the house? Or his background?" "Manahimik ka! Hindi pa nagsisink-in lahat ng sinabi mo!" Kinginang 'to, kita mo nang nag-iisip pa ako dito. Iniisip ko kung anong dapat gawin, hindi ako pwede umuwi sa bahay dahil paniguradong papagalitan ako. At baka hindi na ako payagang lumipat ng bahay. Kung uuwi man ako, dapat dala ko pa rin yung perang ibinayad dun. Milyones din 'yon! Kahit barya lang 'to para sa kanila, mahalaga pa rin 'yon. Kasama na dun 'yung tiwala nila sa'kin sa pagde-desisyon sa buhay. Napasentido ako, ang sakit na ng ulo ko! "Nasaan na 'yung pinsan mo?" "He left the country last night." Mariin akong napapikit. "Punyeta. Anong gagawin ko?" bulong ko sa sarili ko. Napaupo ako dahil parang nawalan ako ng lakas. "I'm sorry about my cousin." Napalingon ako sakanya. "I had no idea about this," sinserong aniya. Hindi ko naman siya sinisisi pero naguguluhan ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko naman pwede hingiin yung perang binayad ko sa lalaking 'to dahil wala naman siyang kasalanan, biktima rin ng pinsan niyang baliw! "Hindi ako pwedeng umuwi sa bahay." Napahilamos ako ng mukha sa inis. "I'll talk to my cousin and get your money back, though he can't be contacted these past few days. I'll still try." "Saan ako matutulog nito?" "You can go back home, for now. And I'll just give you an update, I'm really sorry." "Baliw ka ba? Alam mo bang pwedeng kasuhan iyang pinsan mo dahil sa ginawa niya? Kapag umuwi ako sa bahay paniguradong magtatanong ang magulang ko kung bakit ako umuwi," "I know, but--" Hindi niya na naiituloy pa ang sasabihin dahil parang pati siya ay namomroblema na rin. Madadamay talaga siya kapag nagkataon. Kung ako man, eh, gustong-gusto ko na tumawag ng pulis kaso hindi ko pa nakakausap si Harold. Siya lang ang makakapagpaliwanag nito. "Wala na akong choice." Napabuntong-hininga ako. Wala na akong naiisip na ibang paraan. Malapit na ang pasukan at wala na akong oras para maghanap ng malilipatan. Mas mabuti na rin ito dahil mula sa isa hanggang dalawang oras na byahe mula sa bahay namin ay magiging trenta minutos hanggang isang oras na lang ito. "Dito na ako titira," mariing sabi ko. Tutal, eh, nakapangalan din naman sa'kin ang bahay, gagamitin ko na 'yon. Tsaka isa pa, malapit lang 'to sa pinapasukan kong university kaya advantage na rin. Though, hindi ko alam sa lalaking 'to kung payag ba siya. Pero, sa ayaw at sa ayaw niya, dito ako titira. Period! Siya ang lumayas kung ayaw niya. "What the hell?" "What the hell talaga." Tumango-tango pa ako saka tumayo. "No way! I'm not letting you stay here in my house!" galit na tugon niya. Napairap ako. Bahay niya? "Excuse me, pero bahay ko din 'to, okay?" Hindi nakalampas sa paningin ko 'yung ngisi niya kaya pinandilatan ko siya ng mata. "Really? You really won't mind living with me?" Humakbang siya papalapit sa'kin kaya umatras ako, napayakap sa envelope. Naging erratic 'yung t***k ng puso ko at feeling ko ay lalabas na 'yon sa katawan ko. Parang nagsisi ako bigla at gusto na lang na bawiin iyong sinabi ko. Tangina, manahimik ka! Baka marinig ka niyan! Nakangisi siya na lalong nakadagdag sa kanyang kagwapuhan. Jusko, nagdadalawang-isip na tuloy ako sa desisyon ko. Tama ba 'to? Kaya ko bang tumira sa iisang bahay kasama siya? "O-oo. D-dito na ako titira, b-bahay ko din 'to." He leaned closer, halos magkadikit na ang mukha namin. Napalunok ako. "Really? Under the same roof, with me?" Naamoy ko ang amoy mint niyang hininga kaya napapikit ako. Nanunuot din sa ilong ko ang amoy ng sabon panligo niya, feeling ko ay nag-init bigla ang paligid. I am being hypnotized by his alluring gray eyes! So ang eksena niya, eh, ako ang susuko at lalayas sa pamamahay na 'to? Tinulak ko siya palayo at nakipagtagisan ng tingin. "Oo! Dito na ako titira sa bahay natin, kasama ka man o hindi!" inis na sigaw ko sakanya na agad ko ring pinagsisihan. His playful face changed into an amused look, then he smirked. Tanga, anong bahay natin ang pinagsasabi mo? At simula nung araw na 'yon, namuhay ako kasama ang lalakeng 'to. Sa iisang bubong, na parehong pag-aari namin. O Diyos ko, tama ba itong desisyon ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD