FELY'S POV “Missed me?” Kumulo bigla ang dugo ko nang marinig ang nakakaloko at nakakainis na boses nito. Kung wala lang talaga si daddy ay baka sinalubong ko na ito ng sampal. Sampal sa magkabilang pisngi para damang-dama kung gaano ako kabuwisit sa presensya niya! “At kelan ka pa bumalik?” mataray at nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. Nginisian niya lang ako saka tumingin sa taas na para bang nag-iisip. “Hmm, I think 3 weeks ago?” 3 weeks? Gano’n na katagal pero ngayon ko lang nalaman? “Wow,” hindi makapaniwalang sambit ko. At wala man lang siyang pasabi. Hindi man lang nag-abalang sabihin sa ʼkin ang tungkol sa pag-uwi niya. Sabagay, ano naman ba ang pakialam ko sa kanya? Felix Russel Sarmiento, ang nag-iisang kapatid ko. He may be older than me but he always acts like

