LAHAT ng tao ay nagulat sa ginawang paglayo ni Andi sa kaniyang mga kasamahan. Mukhang alam na ng mga manunuod kung ano ang nais nitong gawin kaya naman halos magpanic na sila na tipong nais na nilang ihinto ang laro. Na maging ang pamilya at mga kaibigan niya ay nahintakutan na rin. Sa nakikita kasi nilang malaking alon na paparating mukhang gagawin nito ang isang bagay na dekada na nang huli itong masilayan ng lahat, ang cloud nine tsunami. Maging ang announcer ay hindi na rin nagawang magsalita pa. Ang cluod nine tsunami kasi ay iyong magsu-surf ka sa isang malaking alon na kung saan matatabunan ka nito na para bang ikukulong ka sa loob. Nagagawa naman iyon ni Andi pero sa maliit na alon lang na tipong nakaupo lang siya sa loob. Pero sa napakalaking alon na ito, magagawa niya kayang

