“MATUTULOG ka na ba?” basag ni Phil sa katahimikang bumabalot sa pagitan nila ni Andi habang mabagal silang naglalakad pabalik sa room nina Andi. Umiling ang dalaga. “Mamaya na siguro. Gusto ko muna maglakad-lakad, pampababa ng kinain.” “You’re right! Naparami nga ang kain ko kanina. Hindi ko akalain na masarap pala iyong salad nila dito,” anito na bahagya pang napahimas sa tiyan. Ang salad na tinutukoy nito ay ang inihaw na talong na may, kamatis, at sibuyas na hinaluan ng pinagsamang bagoong at suka. “Sinabi mo pa!” “May pala-pala sa banda roon, oh! Puntahan natin?” aya niya nang makita ang nag-iisang silungan roon. Hindi niya alam kung sino ang nagtulak sa kaniya para ayain ito roon. Basta ang alam lang niya, gusto pa niya itong makasama kahit ilang saglit pa. “Sige!” Pagkaupo n

