“TEKA! Nasaan na ba tayo at kailangan mo pa akong piringan?” tanong ni Shanstar kay Emer. Pinangakuan kasi siya nito na iti-treat siya sa araw ng birthday niya. Pero sa totoo lang ay bukas pa ang kaniyang kaarawan. “Bakit kasi may pa-surprise ka pang nalalaman, eh, bukas pa naman ang birthday ko.” “I know! Pero alam mo naman na hindi tayo magkikita bukas dahil magce-celebrate ka with Andi kaya in-advance ko na.” “Okay . . . Pero hindi mo naman na ako kailangan pa bigyan ng regalo. Hindi naman ako materialistic na tao, eh.” “Hindi naman ito materyal na bagay kaya sigurado ako na matutuwa ka.” “Surprise!” anunsyo nito pagkatanggal ng piring niya. “Advance happy Birthday, Ate!” bati ni Shanshiela, ang isa sa kambal niyang kapatid. Bumuhos ang luha sa kaniyang mga mata nang makita niya

