“ANO ba dapat kung gawin, dude? Hindi ito pwedeng malaman ni Andi. Nagsisimula pa lang kaming i-work-out ang pagsasama namin sa kabila ng sitwasyon ko!” natatarantang sambit ni Philmar nang nasa opisina na sila pareho. “Huminahon ka, dude. Isipin mong mabuti kung ano ba talaga ang nangyari nang iwan kita sa party,” pagpapakalma naman ni Emer. Nauna kasing umuwi si Emer noon kaysa sa kaniya kaya wala rin itong maisasagot sa kaniya. Namaywang siya. “Dude naman! Iyong apat na taon nga hindi ko na maalala, iyong sa event pa kaya?” “Wala ka ba talaga natatandaan kung paano ka nakauwi nang gabing ‘yon?” giit pa nito. “Ang tanda ko lang ay pauwi na ako niyon nang makaramdam ako ng sobrang pagkahilo. Tapos nagising na lang ako bandang madaling araw na.” Napailing ito. “Kung bakit ba naman ka

