CHAPTER 3

1506 Words
JAHZARA POV.. Tanghalina ako nagising, At tulog parin si Jhay. Bumangon na ako at ginawa ang morning routine ko. Pagkatapos ko ay tiningnan ko ang phone ko. Ay naku buhay ko naman... shut down ang phone ko, battery empty. Kaya charge ko muna bago ko pinuntaha si nanay. " Gising ka na pala anak, si Jhay tulog pa ba?" " Opo nay, madaling araw na po kasi kami nakatulog." " Kumain ka muna jan, hayaan mo muna siyang matulog. Mamayang hapon na daw tayo pumunta sa police station kasi may pinuntahan ang tatay mo." " O sige nay salamat. Nang matapos akong kumain ay pinuntahan ko si nanay. " Nay sana ay matuntun na natin agad ang parents n Jhay. Upang maasikaso ko narin ang paghahanap ng mapapasok kong trabaho." " Ipagdasal natin anak. Magtiwala ka lang sa Panginoon. May awa ang Diyos" " Kung makapagtapos ako nay ako na ang magpapaaral sa mga kapatid ko." " Jahzara anak, ang isipin mo ay kung paano ka makakaipon ng pantustus mo sa pag-aaral mo, saka mo na problemahin ang mga kapatid mo." " Kaya nga iniisip kong mag working student. Pinanangako ko nay na magtatapos ako at maging ganap na nurse." " May awa ang Diyos anak, basta ba manalig at magtiwala ka sa kanya. Matutupad mo rin ang pangarap mo balang araw." " Opo nay maraming salamat po." "Puntaha mo na si Jhay Mark, at magluluto na rin ako ng pananghalian natin." "Good morning little boy, kanina ka pa ba gising." " Good morning din aye Zara, kagigising ko pa lng ate." "Halikana at maligo para makakain na tayo, siguradong gutom ka na." " Ate Zara tumawag na po ba ang daddy at mommy ko?" " Maligo ka muna, at sabay natin check ang phone ko." "Jhay may two missed call, Siguradong parents mo na ito. Lumapit ka dito at tawagan natin." Lalaki ang sumagot. Daddy siguro ni Jhay Mark to. " Hello po kayo po ba ang daddy ni Jhay Mark?" "Oo ako nga. Asaan ang anak ko?" Huwag niyo siyang sasaktan ibibigay namin ang kailangan niyo. Please gusto kong makausap ang anak ko." "Daddy kunin mo ako dito pls." "Oo honey hintayin mo ako, hindi ka ba nila sinasaktan" " Hindi po daddy mababait po sila." " Kumain ka na ba" " Hindi pa daddy kagigising ko pa lang po. Kaain kami pagkatapos namin makipag usap sa inyo. daddy." "Sino yung kasama mo diyan. " Si ate Zara daddy, siya po ang nakakita at tumulong sa akin. eto po kausapin mo, upang mapuntahan niyo na ako." " Hello po sir, ako po si Jahzara Pajaro." " Saan namin pwedeng sunduin ang anak namin Ms. Pajaro at ano ang kailangan niyo." " Gaya ng sinabi ng anak ninyo Mr. Favis. Gusto ko lang siyang tulungan. At wala po kaming hinihingi na kapalit. Puntahan niyo po ang anak ninyo dito sa bahay namin." "Pagpasensyahan mo na ako Ms. Pajaro." " Okey lang po Mr. Favis. wala ano man. At eto po ang address namin. paki sulat lang po sir." 143 Horizon St. Sulvec Narvan. " Okey Ms. Pajaro. Pupunta na kami jan. Thank you. " Your welcome Mr. Favis. Hihintayin namin kayo." " Nay hindi na po tayo pupunta sa police station" " Hindi pwede anak kailangan natin maibalik si Jhay Mark sa mga magulang niya." " Oo nay ibabalik natin siya sa mga magulang niya." " Kung ganon bakit ayaw mo ng pumunta sa presinto." " Nay nakausap na namin ang daddy nia at papunta na sila dito. Hintayin na lng natin sila dito." CRISANTA POV... Kausap ngayon ng asawa ko ang sakama ng anak namin. Salamat at nasa mabuti siyang kalagayan. Papunta na kami sa kinaruruonan ng anak namin. Kasama namin si Mang Romy dito sa sasakyan at apat naman n police sa isang sasakya. nakasunod lang kami sa sasakyang ng mga police. Nakarating na kami dito sa address na sinabi nila. Na una na ang mga police na pumunta sa bahay nila Jahzara. " Tao opo!" sabi ng police officer. "Ano po ba ang kailangan niyo sir" si Aling Lydia ang nanay ni Jahzara. " Dito po ba nakatira si Jahzara Pajaro" police officer. " Dito nga po sir, bakit po niyo hinahanap ang anak ko." " Sino ba yan Lydia, papasokin mo at dito tayosa loob mag usap.. " si Mang Jose ang tatay ni Jahzara. " Hindi na kami magpaligoy ligoy, na kay Jahzara ang anak nila Mr. Jayson Favis at kailangan namin makuha" " Oo sir nasa amin si Jhay Mark. pero pasensya na po. kung hindi namin ibibigay ang bata." si mang Jose. " At bakit naman hindi niyo ibibigay." police " Ibibigay lang namin ang bata sa mismong magulang niya. Sana po maunawaan niyo po kami, gusto lng namin makasiguro, sa kaligtasan ng bata. sir." si mang Jose " Okey sandali lang at tatawagin ko ang magulang ng bata". police " Siya po si Jayson Favis at ito po si Crisanta Favis, Ngayon asan ang bata". police "Nasa labas po sila, paki tawagan na lang po ang anak ko, Mr. and Mrs. Favis." si aling Lydia. " Hello Daddy" "Honey asaan kayo, andito nakami sa bahay ng ate Zara mo." " Alam ko daddy nakita ko kayo, papunta na kami jan." Nandito na ang anak namin. niyakap namin siya. Nagpasalamat at nakipag usap kami sa tumulong sa amin anak. Binibigyan namin sila ng pera. Ayaw nilang tanggapin. hindi daw sila nagpapabayad sa pagtulong sa anak namin. Dahil gusto rin tulungan nag anak namin si Jahzara, kay a eto ang nangyari. " Mommy ,Daddy, bigyan niyo po ng trabaho si ate Jahzara, para makapag ipon, gusto po niya kasing makatapos ng pag-aral. Wala po kasi silang sapat na pera, Pls" " Okey honey kakausapin namin siya." "Jahzara, gusto mo bang magtrabaho sa amin?" " Ano po bang trabaho ma'am?" " Kung gusto mo samahan mo ang dalaga namin sa maynila at doon ka na rin mag -aral. kami na ang bahala sa pag- aaral mo." " Opo ma'am maraming salamat po." " Kung okey lng sa iyo na ngayon bakasyon ay ikaw na muna ang mag alaga kay Jhay Mark, at next month kana luluwas punta maynila,. Upang makapag enroll." "Okey po ma'am. Thank you so much." JAHZARA POV.. Dito na ako ngayon sa mansyon ng mga Favis. Magtratrabaho ako dto ng tatlong linggo. Bago ako pupunta sa maynila. Hindi naman ako nahirapan dito dahil si Jhay Mark lang ang pinagsisilbihan ko. Papunta na kami ngayon sa maynila. Kasama ko sila Mr. and Mrs. Favis , Jhay Mark, Mang Romy at Rose. Mag stay daw sila doon ng one week. Sana kasing bait ni ma'am Crisanta ang anak niyang dalaga, sa De La Salle daw nag nag-aaral, Kaya doon rin ako mag-aaral. Bongga di ba..... Six to seven hours ang byahe namin hanggang Maynila. Kaya 10pm kami lumuwas. Tulog na si Jhay Mark. Magkikita na kami ng magiging boss ko. Ano kaya ang Kapalaran ko. Wow ang ganda niya, artistahin, sana ganyan din kaganda ang ugali niya. "Jahzara eto ang bahay namin dito, kaya dito ka rin maninirahan, kasama ang anak ko at si Danny siya ang magiging driver ninyo." " Salamat po ma'am" " Jahzara halika at ipapakilala kita sa kanila" "Carol anak ,eto si Jahzara ang makakasama mo dito.' " Jahzara eto naman si Caroline, ang panganay na anak namin" "Hello po ma'am Caroline" Ayyyy naku suplada. Kaya mo yan Jahzara isip mo ang pag-aaral m. " Pagpasensyahan mo na ang anak ko Jahzara, pagod lang siguro" " Okey lang po sa akin, ma'am" " Eto ang magiging kwarto mo, ayusin mo na ang gamit mo at magpahinga. Bukas ka na mag enroll, sasamahan ka n Danny." "Opo ma'am salamat." Iniwan na ako ni ma'am Crisanta at inayus ko na nin ang mga gamit ko. at gaya ng sabi niya ay magpahinga kaya tulog muna ako. Tok tok tok, "Jahzara kain na tayo." si ate Rose. "Sige ate, susunod na ako." Bumabana ako at pumuntang kusina, tahimik ang buong bahay. " Ate Rose nasaan po sila ma'am?" "Lumabas sila at gagabihin daw ng uuwi, kaya dalawa lang tayo ngayon dito." "Ate ano po ba ang ugali ni ma'am Caroline." " Mabait naman pero may pagkatupak kung minsan. Pagpasensyahan at tiisin mu na lang kung gusto mong makapagtapos ng pag-aaral" " Eh ano pa ba eh di magtiis." Hinatid ako ni mang Danny papuntang school para makapag enroll na ako. " Oh pasok kana Jahzara, hihintayin kita dito sa labas." " Opo mang Danny thank you." Ng matapos na ako sa pag-eenroll at pumunta kami sa mall at bumili ng mga kailangan ko sa school. Babalik na sila ma'am Crisanta, sa province namin. Matatagalan na akong makauwi sa amin., Ngayon palang miss na miss ko na sila nanay ,tatay at ang dalawa kong kapatid. Pero titiisin ko lahat lahat para lng makapagtapos ako at maihaun ko ang familya ko sa hirap. Start na ang pasok sa school. Start na rin ang maganda kong buhay sa mabait kung boss.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD