Mahal Masaya akong pumasok sa loob ng bahay namin. Alas onse na kami umuwi ni Hermes, hinatid niya ako dito sa bahay. Aakyat na sana ako papuntang kwarto ng biglang bumukas ang ilaw sa sala namin. Tumingin ako doon na kinagulat ko dahil nasa couch si mama at seryosong nakatingin sa akin. Kinabahan na ako sa klase ng mata niya. "Where have you been?" Isang napaka seryosong tanong niya sa akin, ngayon ko lang narinig ang boses ni mama ng ganito kaya kinakabahan talaga ako. Is there something wrong? Ngumiti ako sa kanya at lumapit para mahalikan siya sa pisnge. Hindi siya gumalaw ng hinalikan ko ang pisnge niya kaya mas lalo akong kinabahan. "May pinuntahan lang kami ni Hermes mama." Nakangiti kong sagot kaya mas lalong sumeryoso ang mukha niya. "Saan naman kayo pumunta?" May pangangamb

